Chapter 80: Terrensia's Magissy Ball Part I

8.6K 344 75
                                    

THIRD PERSON'S POV

LAHAT ay naghahanda na.

Lahat ng mga estudyante,mapababae man o lalaki,maging ang mga professors ay hindi maawat mula sa pagngiti dala ng sobrang pagkasabik para sa gaganaping pagdiriwang mamayang gabi.

Umaga palang ay nagkakandarapa na sila sa pag-aayos ng mga susuotin nilang Ballgowns at Tuxedos.Handa na rin ang mga kagamitan para sa kolorete nila sa mukha.

Sa kabilang banda naman ay masayang nag-aayos ng susuotin si Bea kasama si Yvonne sa kaniyang silid.

"Grabe Yv, sobrang excited nako mamaya!" Abot tenga ang ngiting sambit ni Bea sa kaibigan habang sinasabit ang Ballgown niya sa sabitan.Napangiti naman si Yvonne sa sinabi ng kaibigan.

"Isasayaw ka ba ni Eros?" Tanong niya na nagpapula sa mukha ng isa.

"S-Siguro,s-sana." Uutal-utal na sagot niya na nagpatawa kay Yvonne.

"Pero gusto mo?Haha!"

"O-Oo naman."

"Sus! Uutal-utal ka pa,wag ka ng mahiya Hahaha!"

"H-Hindi ako nahihiya ah! Halika kana nga dito,aayusin ko na ang buhok mo."

"Agad agad? Ang aga pa kaya."

"Dali na,para makapag make up tayo ng matagal mamaya."

"Oo na! Ito na." Sagot ni Yvonne at naglakad papunta sa upuan sa harap ng malaking salamin.Kumuha naman ng mga kakailanganing gamit si Bea at maya-maya pa ay nagsimula na siyang ayusan si Yvonne.

Habang may kung anong ginagawa sa buhok ni Yvonne ay napatigil si Bea nang may naalala.

"Saka nga pala,gising na ba si Sham?" Tanong niya dito,saglit namang natigilan ang isa bago umiling.

"Hindi ko alam eh,hindi ko pa siya nakikita."

"Alam mo Yv,sa totoo lang,naaawa ako kay Sham.Hindi naman niya kasi deserve to eh,hindi niya maeexperience yung feeling ng umattend ng ball." Malungkot na pahayag niya habang sinusuklay ang buhok ni Yvonne.

"Ako din naman,kaso may kasalanan din siya eh."

"Pero nadala lang siya ng galit niya nun,hindi niya kasalanan yun."

"Wala na tayong magagawa pa,alam mo naman yun si Headmaster,kapag sinabi niya na wala ng makakapagpabago nun."

"Kung sa bagay."

"Diba nga ang sabi ni Sham,wag na natin siyang alalahanin?Kaya mag enjoy nalang tayo mamaya."

"Pero hindi mo naman maiaalis sa akin yun eh.Kaibigan natin siya." Wika ni Bea.Nilingon naman siya ni Yvonne at hinawakan sa kamay.

"Alam ko,pero sa ngayon sarili naman muna natin ang piliin natin,hmm?" Natigilan si Bea sa narinig at hindi makapaniwalang tinitigan si Yvonne.

"Ano ba ang nangyayari sayo Yv? Si Shamiere ang pinag-uusapan natin dito,si Shamiere na kaibigan natin."

Napaiwas naman ng tingin si Yvonne sa kaniya at muling humarap sa salamin.

"Alam ko,pero...nag-iba na kasi ang paningin ko sa kaniya.Patagal ng patagal mas nagiging misteryosa siya para sa akin,naiintindihan ko siya pero kasi,parang ang dami dami na niyang tinatago sa atin.Oo kaibigan natin siya pero diba nga,ang kaibigan hindi naglilihiman? Ano ba kasi ang hindi niya sinasabi sa atin? Ano ang hindi niya gustong malaman natin tungkol sa pagkatao niya? Hindi kaya maaaring tama ang sinasabi nilang-"

"Yvonne!" Sigaw sa kaniya ni Bea na ikinagitla niya.

"Hindi kalaban si Shamiere,mali sila at sigurado ako dun." Bumuntong hininga siya.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon