Chapter 100: Sorrow

8.4K 307 111
                                    

THIRD PERSON'S POV

"NAGPAPATAWA ka ba?!" Inis na singhal ni Serene sa dalaga nang matauhan ito dahilan para matigilan ang huli.Mapakla itong tumawa at saglit na pinunasan ang mga mata.

"Sinasabi mong anak ni Zokus ang babaeng iyon kung siya mismo nakipaglaban ng patayan sa Ama niya?! Tapos ano? Anak ka ni Goddess Amara? Pwes wala kaming oras sa kalokohan mo!" Dagdag pa nito.Nang makabawi ang dalaga ay naglakad siya papalapit sa mga ito at saka seryosong tinitigan ang lahat.

"Hindi niyo ba napapansin? Palabas lang ang lahat,hindi ba kayo nagtataka kung bakit kahit sa lakas ng kapangyarihan niya ay hindi niya nagawang mapatay-patay si Zokus? Nagawa nga niyang paslangin ang sarili niyang kaibigan diba?" Sagot nito na ikinakuyom ng kamao ng ilan sa kanila.

"Hindi ko kayo pipiliting paniwalaan ako,pero sana maliwanagan kayo." Aniya bago tumalikod at umalis ng walang pasabi.Naiwan namang gulat at tikom ang bibig ng lahat.

***

LAHAT ay nakiramay sa pagkawala ni Mitch.Maraming mamamayanan ang ngayo'y nasa palasyo ng Air Kingdom upang magluksa sa pagkamatay ng dalaga.Malalim man ang gabi ay hindi ito alintana sa kanila.Nais nilang ipakita ang pagmamalasakit at pagmamahal nila sa kanilang kapanalig.Kasama na rito ang mga estudyante ng Terrensia Academy.Nasa loob sila ng isang malawak na silid,nandito din ang magkakaibigan,kasama nila ang mga Hari at Reyna at maging ang headmaster.Sa harap nila ay ang isang higaan na puno ng sari-saring mga bulaklak kung saan nakahimlay ang wala ng buhay na si Mitch.

Walang tigil sa pag-iyak ang mga magulang ng dalaga,ganun na din ang ibang mga babae.Hindi rin mapigilan ng mga kalalakihan ang maluha sa nangyari.Lahat sila ay nagluluksa.Lahat ay malungkot.Maliban sa isang binata na walang iba kundi si Theo.Mula pa kanina ay hindi na siya umiyak,hindi na ito nagpakita ni isang emosyon.Nakatingin lang ito ng walang buhay sa dalaga.Ngunit sa loob-loob niya ay umiiiyak siya.Gusto niyang isipin na hindi totoo ang lahat ng to.Na isa lamang itong masamang panaginip,na hindi pa patay si Mitch,na hindi tunay na kalaban si Shamiere,na hindi niya magagawang paslangin ang sariling kaibigan.Pero alam niya sa sarili niya na totoo ang lahat ng ito,na totoong wala na si Mitch,na totoong kalaban si Shamiere.

Hindi nagtagal ay tumayo ang Reyna,ang Ina ni Mitch.Pinipilit nitong pigilan ang pag-iyak at saglit na pinunasan ang mga luha sa kaniyang mga mata.Pagkatapos nun ay humarap ito kanilang lahat.

"Y-You all know me as the Queen of Air Kingdom,but now I'm not here as a Queen, but as a mother." Saglit itong tumigil sa pagsasalita nang bigla na naman siyang maluha.

Nang mahimasmasan ay muli itong humarap sa lahat.

"I-I'm here as a mother of my one and only daugther, Mitch. A-Ang anak ko,kilala niyo siya bilang isang napakabuting estudyante,kamag-aral,kaibigan.Sadyang napakabuti ng kaniyang puso,pero kahit na napakabuti niya ay hindi siya nakaligtas sa kamay ng mga kalaban.P-Pinatay ang anak ko ng walang kalaban-laban...Walang-awa siyang pinatay, at ang pumatay sa kaniya ay walang iba kundi ang sarili niyang kaibigan!" Hindi na niya maitago ang poot at galit sa kaniyang boses.Nagsimula na namang bumuhos ang mga luha niya.Walang tigil sa pag ragasa ang mga ito sa kaniyang magkabilang pisngi.

"A-Ang akala nating kakampi,ay i-isang kalaban...at p-pinatay niya ang anak ko...a-ang anak ko."

SHAMIERE'S POV

PAGKARATING ko sa Akademiya ay agad na nangunot ang noo ko nang bumungad sa akin ang tahimik na paligid.Wala akong ibang marinig kundi ang kakaibang simoy ng hangin at ang paghampas nito sa mga puno sa paligid.

Nasaan ang mga tao dito?

Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kakaiba,parang may hindi magandang nangyari.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon