Chapter 28: Mount El Sierra

14.5K 635 95
                                    

SHAMIERE'S POV

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa tarangkahan ng akademiya kung saan kami magkikita-kita. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit kinakailangan ko pang sumama sa kanila, hindi naman ako Royalties tulad nila kung kaya't hindi ko alam kung bakit pa nila ako kakailanganin sa misyong 'to. Maaaring isa sa dahilan kung bakit ako pinasama ni headmaster sa kanila ay dahil sa nasaksihan nilang pakikipaglaban ko kahapon tulad nalang nang sinabi sa 'kin ni Serene at Mitch. Pero hindi pa rin sapat na dahilan 'yon para sa akin, sa tingin ko ay may isa pang rason ang punongguro kaya niya 'ko gustong makasama sa misyong ito.

At kung ano man 'yon ay aalamin ko.

Natatanaw ko na sila hindi kalayuan sa nilalakaran ko. Kumpleto na silang lahat at nando'n na rin pati si headmaster.

Nang tuluyan na 'kong makalapit sa kanila ay sinalubong kaagad ako ni Mitch ng yakap bago pinasadahan ang kabuuan ko.

Simpleng itim na pantalon at kulay puting damit. Kagaya ng nakasanayan ay hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok.

"Goodmorning, Sham. You look good." nakangiting bati niya sa 'kin, sunod namang bumati ang iba pa't maging sila ay pinuri rin ang ayos ko. Maliban nalang sa dalawa. Binati ko lang din sila pabalik.

"Shamiere." tawag pansin sa 'kin ni headmaster at tiningnan ko naman siya.

"Pasensya kana kung hindi kita pormal na nasabihan kahapon tungkol dito, pero kakailanganin ka nila sa misyong ito kaya kita ipinapasama. Alam ko na rin ang mga kakayahan mo sa pakikipaglaban kaya magiging malaking tulong ka sa mga kaibigan mo at mas mapapabilis ang misyong ito." mahabang salaysay niya.

"Subalit kung hindi niyo mamasamain, 'yan nga lang ba ang dahilan kung bakit mo ako gustong sumama sa kanila, Headmaster?" walang pagdadalawang-isip na tanong ko dahilan upang daglian siyang matigilan. Agad namang nagtaka ang mga kasama ko.

I knew it, something's off.

Nang makabawi ay tinitigan niya 'ko sa mga mata bago muling nagsalita.

"Malalaman mo mamaya, Shamiere." makahulugang saad niya na ikinakunot ng noo ko.

What does he mean by that?

"Here is the map." inabot niya kay Theo ang mapang iyon.

"Sundan niyo lang 'yan at siguraduhin niyong tama ang daang tatahakin ninyo dahil maraming pasikot-sikot doon na makakapagpaligaw sa inyo. Prince Theodore, lead them. You know what to do." tugon niya sa kasama namin na kanina pa nakatingin sa 'kin.

"Theo? I need your cooperation here. Are you with us?"

"Yeah." walang ganang usal nito at pasiring na inalis sa 'kin ang paningin.

"As I was saying, you will lead them. All you need to do is to get in the highest part of the Mount El Sierra, do'n ninyo matatagpuan ang tahanan ni Lorna. Ang mapang ibinigay ko sa inyo ay ang magsisilbi ninyong gabay para hindi kayo maligaw. Make sure na hindi kayo magkakahiwalay dahil lubos na mapanganib ang bundok na inyong aakyatin. Maliwanag?"

"Yes, Headmaster!" sagot ng lahat.

"Ah, Headmaster? Tanong ko lang po, If Lorna is a white witch then bakit po siya tinatawag na wicked?" tanong ni Serene na nakakuha ng aming atensiyon. Nakita ko naman ang pagngisi ni headmaster.

"The answer to that question is in Mount El Sierra. Doon ninyo malalaman kung bakit siya tinawag na Lorna the Wicked White Witch. So off you go, now. Para mas maaga kayong makakabalik dahil hindi sigurado ang kaligtasan ng mga estudyante rito hangga't hindi pa muling nagkakaroon ng barrier laban sa mga Zokusians ang paaralan." mahabang turan niya. Nagpaalam naman na kami sa kaniya at maging sa iba pang naroroon.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon