Chapter 19: Fire vs. Fire

17.8K 796 69
                                    

SHAMIERE'S POV

"Terrensia Magissy was created by Goddess Amara. It is said that she, herself made this world for us, people with power and special abilities, also known as mages. She also created magical creatures such as Fairies, Centaurs, Cyclopes, Ogres, Witches, Vampires, Werewolves, Mermaids and many more, and that includes us. But, half of them turned into dark mages because of Lord Zokus. He is also powerful but unlike Goddess Amara, he is greedy. Sakim siya sa kapangyarihan at dahil sa kagustuhan niyang mapasakanya ang lahat ng kapangyarihan ay tinangka niyang paslangin si Goddess Amara. Ngunit dahil sa taglay na kapangyarihan at godess na tunay si Amara ay hindi siya nagtagumpay sa kaniyang adhikain. Nang dahil doon ay nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nilang dalawa at dahil na rin sa katotohanang mas malakas sa kaniya si Godess Amara ay natalo siya't ipinatapon dito sa Terrensia Magissy bilang kaparusahan. Ngunit iyon ang pinakamalaking pinagsisihang nagawa ni Amara, nang dahil sa ginawang pagpapatapon niya kay Lord Zokus dito sa mundong ito ay dito naghasik ng lagim si Zokus, at doon na nga siya naghanap ng mga makakamping nilalang at nagbalak na sakupin ang buong Terrensia Magissy bilang paghihiganti kay Goddess Amara na siyang naglika nito. And this is the purpose of this academy, binuo ito upang mas mahasa ang mga kapangyarihan at abilidad ng bawat estudyante upang maging handa tayo kung sakali mang sakupin ito ng mga dark mages. Ang akademiyang ito ay pinatayo pa ng sinaunang hari't reyna ng iba't ibang kaharian sa tulong na rin ng iba pang mga malalakas na mages noong unang panahon kaya naman hanggang ngayon ay nanatiling nakatayo pa rin ito at hindi mawasak-wasak dahil na rin sa kadahilanang ginamit nila ang kaniya-kaniya nilang mahika upang magkaroon ito ng proteksyon laban sa mga dark mages." pagtatapos ni Professor Claire sa mahabang pagsasalaysay nito.

"Sa pagkakaalam ko ay nakwento na ito sa inyo ng nauna ninyong propesor sa history." patukoy niya sa aming nanggaling sa ibang section.

"Yes, Prof."

"Okay, so before we dismiss, any questions?" nakangiting tanong niya.

"Prof!" biglang may nagtaas ng kamay.

"Yes, Miss Cielo?"

"Paano niyo po nalaman ang lahat ng 'yan, at paano po kayo nakakasiguro na ganiyan nga po ang tunay n nagyari?" kunot-noong tanong nito, napangiti naman si Professor Claire.

"Dahil marami ang naging saksi sa pangyayaring iyon, kabilang na ang aking mga ninunong kinuwento pa sa aking mga naunang lolo't lola hanggang sa kinuwento sa aking mga magulang." nakangiting sambit niya.

"Makikita niyo rin sa libro ang mga tinalakay natin kaya kung gusto niyo pang may malaman tungkol sa mundong ginagalawan natin ay bukas ang silid-aklatan, maaari kayong pumunta roon upang magbasa't magsuri." dugtong pa niya.

"Okay that's all for today, class dismissed!"

Sumagot naman ang lahat maliban sa akin bilang paalam.

Ilang minuto lang ang lumipas at pumasok naman ang sunod naming guro sa potion making. She's also a white witch.

Nagpatuloy na ang aming klase hanggang sa naging sunod-sunod na.

Discuss...

Discuss...

Discuss...

Makalipas ng ilang oras ay lunch break na.

"Tara na, Bea." rinig kong anyaya ni Yvonne kay Bea. Hindi ko na sila tiningnan pa at nauna nalang na naglakad patungo sa pinto. Pagkalabas na pagkalabas ko ay tumambad sa harapan ko ang nakangiting si Miko. Bigla naman akong napangiti sa kaniya.

"Tara na, gutom na'ko kakahintay sa 'yo." nakangusong sambit niya at kinuha ang bag at mga dala ko.

Nand'yan na naman ang mga bulungan habang naglalakad kaming dalawa papuntang cafeteria.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon