Chapter 24: Who's that Guy

15.8K 674 50
                                    

SHAMIERE'S POV

Mula sa kinalulutangan ko ay dinig na dinig ko ang mga singhapan at sigawan ng mga estudyante na nanggagaling sa iba't ibang direksyon ng akademiya.

Nang ibaba ko ang paningin ko kina Mitch ay makikita ang gulat, pagkamangha at labis na pagsasapantaha sa kanilang mga mata.

They looked priceless.

"T-That's enough." ikinumpas ni Theo ang kaniyang kamay at sa isang iglap lang ay biglang nagkaroon ng apoy ang paligid na nagpatunaw sa yelong nakabalot sa kapaligiran.

Bumalik naman kaagad sa ayos ang kabuuan ng akademiya.

Bumaba ako mula sa pagkakalutang at naramdaman ko ang pagbabalik ng dating kulay ng mga mata ko.

"W-Who are you really, Sham?" tiningnan ko si Megan nang magsalita siya.

Tipid akong ngumiti bago sila tingnan isa-isa.

"I can't tell you who I am or what I am yet, just trust me. I only need you guys to trust me."

Humakbang naman papalapit sa 'kin si Mitch at niyakap ako.

"Whatever you are, we'll accept you for who you truly are, we trust you, Sham." nadama ko ang sinsirisad sa boses niya. Gumanti rin ako ng yakap sa kaniya. Sunod-sunod namang lumapit sa amin ang iba pa.

"Palagi mo nalang kaming ginugulat sa mga kaya mong gawin, Sham." biro pa ni Gino, ngumiti lang ako.

"Oo nga, napaka misteryosa mo talaga." sabat naman ni Bea.

"Pero paano ka nagkaroon ng ganyang kapangyarihan? I mean, you're not a Royalty. H-How? Ang hirap lang kasing paniwalaan. Tapos hindi lang isang elemento ang kayang mong kontrolin, dalawang elemento mismo, Sham." mahabang litanya ni Eros.

"Hindi ka lang pala maganda Sham, napakalakas mo rin!" sambit naman ni Yvonne. Marami pa silang sinabi at natuwa naman ako dahil naiintindihan nila ako.

"But if you're ready enough to tell us the truth, don't hesitate to tell us okay?" ani Serene. Tumango naman ako sa iniusal niya.

"I won't." nakangiti kong sagot sa kanila. Pero sa kanilang lahat ay may dalawang lalaki ang hindi man lang nagsalita.

Si Van at Theo.

I diverted my gaze to the both of them and looked at their eyes as if I'm asking for their opinions.

"I'm just hoping that you're not fooling us."

"Van!" agad na sita sa kaniya nina Mitch ngunit hindi niya sila pinansin at tiningnan ako ng seryoso.

"But I know that you're not."
dugtong niya na siyang nagpangiti sa 'kin.

"We're gonna give our trust to you, so please don't break it." japatingin ako kay Theo nang magsalita siya. Nakangiti akong tumango sa kaniya.

"Thanks for trusting me, all of you." sinsiro kong pahayag at parang mangiyak-ngiyak naman sina Bea na papahid-pahid pa sa kanilang mga mata.

"Ano ba 'yan! Nakakaiyak naman! Group hug tayo!" akmang yayakap na kami sa isa't isa nang biglang. . .

"Tss."

Nag-walk out ang dalawa.

"Nakakaasar talaga ang dalawang 'yon!" nakanguso na namang reklamo ni Kianah habang pumapadyakpadyak pa. Natawa nalang kami sa iniasta niya.

Nagtungo na kami sa tambayan at nadatnan namin ang dalawa na nag-uusap ng seryoso, nang makita nila kami ay agad silang napaayos dahilan para manliit ang mga mata namin.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon