Chapter 48: The Fight

9.8K 451 8
                                    

MITCH'S POV

"Grabe kilig na kilig ako nang malaman kong sila na!"

"Kyaaaah! Ako rin! Bagay na bagay talaga silang dalawa!"

"Nako! Sinabi mo pa!"

"I'm happy for them."

"At ngayon kasalukuyan silang nagdedate sa labas! Kyaaaaah!"

"Bagay naman kasi talaga sila."

"Oo nga!"

Rinig kong nag-uusap ang mga kasama ko ngayon dito sa tambayan. Pero hindi ko magawang makipagsabayan sa kanila dahil may iba akong iniisip.Kanina ko pa to nararamdaman,parang may mali kasi sa ihip ng hangin.Parang may sinasabi sakin na merong nangyayari.Pero hindi ko naman matukoy kung ano.

"Ikaw Mitch ano sa tingin mo?"

Muli kong tiningnan ang labas ng bintana.Parang may mali talaga.Hindi na normal ang nararamdaman ko ngayon.

"Mitch? Hey Mitch?"

Kinakabahan nako.Baka may nangyayari na sa Kaharian na hindi ko alam.

"MITCH!!"

Agad akong napabalikwas ng tayo at bumalik sa ulirat ko nang may biglang sumigaw sa tenga ko.

"Ha?Ano?" Wala sa sarili kong tanong.Nakita ko namang nagtaka ang mga mukha nila.

"Ayos ka lang ba? May problema ba?" Tanong ki Bea na sa tingin ko ay ang sumigaw sakin.Tumango ako at ngumiti ng pilit sa kanila bago sumagot.

"A-Ayos lang,may iniisip lang ako."

"Ano ba yang iniisip mo at parang lutang na lutang ka dyan?" Aniya.

"Parang...parang may mali kasi."

"Ha? Anong mali ang sinasabi mo Mitch?" Singit ni Eros sa usapan.

Tiningnan ko sila isa-isa.

"P-Parang hindi kasi normal ang ihip ng hangin,a-at nangyayari lang ito kapag may nangyayari sa bayan namin at k-kung may nangyayaring masama sakin." Nagkatinginan sila bago lumapit sakin.

"You might just overthinking Mitch.Nothing's wrong in the wind." Saad ni Serene.

"Oo nga,baka gutom lang yan.Hindi ka pa kasi kumakain,kami tapos na." Biro pa ni Gino pero hindi ko magawang tumawa.Sinuway naman siya ni Lash nang mapansing seryoso ako sa sinasabi ko.

"Gusto mo bang pumunta tayo sa inyo? Para makasigurong walang may nangyayari dun." Suhestiyon niya.Pero hindi pa man ako nakakasagot nang bigla kaming mapatingin sa bintanang nakasarado nang tumunog ito.Nakita namin ang isang ibon na tila kumakatok at gustong pumasok sa loob.Naglakad naman papalapit si Megan dun at agad iyong binuksan.Nang tuluyan itong bumukas ay lumipad ng matulin ang ibon at dumapo sa mesang nasa harapan namin.

*TWEET!*

*TWEET!*

*TWEET!*

Bumubuka-buka ang tuka nito na parang may sinasabi pero hindi naman namin maintindihan.

"Ano raw? Baka may gustong sabihin yang ibon na yan? Diba kaya mong kumausap sa mga hayop dre? Kausapin mo nga!" Sambit ni Gino kay Van.

"Tsk!" Ungot lang nito at bahagyang lumapit dun sa ibon.Muli na namang bumuka ang tuka nung ibon na parang nagsasalita nga.

*TWEET!* *TWEET!* *TWEET!*

Nang tingnan ko ang mukha ni Van ay tila gulat na gulat ito sa narinig.Napalitan ng pagkagulat ang seryoso niyang reaksyon.Nanlaki ang kaniyang mga mata at napaawang din ang kaniyang labi.Dahil dun mas bumilis ang pagtibok ng puso ko sa kaba.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon