Chapter 38: Girl From Nowhere

12.1K 504 47
                                    

SHAMIERE'S POV

"Oh, saan ka nanggaling, Sham?" bungad sa 'kin ni Bea nang makapasok ako sa loob ng dormitoryo.

"Ah, wala, may binisita lang." sagot ko. Tiningnan naman niya ang orasan sa pader at nagtatakang tumingin sa 'kin.

"Gabi na, ah? Sino naman ang binisita mo, aber?" naniningkit ang mga mata niyang tumingin sa 'kin na para bang nangingilatis.

"H-Hindi mo kilala, gabi na. Ba't hindi ka pa matulog? Si Yvonne, tulog na ba?" pag-iiba ko sa usapan.

"Hinintay pa kasi kita, saka oo, tulog na 'yong babaeng 'yon. Matutulog na rin ako, matulog ka na rin dahil bukas may pasok na."

"Sige."

Nagmartsa na siya paakyat ng hagdan at maya-maya lang ay sumunod na rin ako patungo sa kwarto ko.

Naligo lang ako at nang matapos na ay agad akong sumalampak sa kama at inisip ang mga nangyari kanina.

Nakita ni Mitch ang kapalaran ko, ang hinaharap ko. Kaya kahit hindi ko man gusto ay wala ng ibang paraan pa kundi ang burahin ang alaala niya.

Hindi na niya dapat pang maalala ang mga nakita niya at mas lalong hindi na dapat malaman pa ng iba kung ano ang nakita niya.

Hindi pwede.

Hindi maaari.


Kinaumagahan ay gano'n pa rin ang nangyari, kagaya ng inaasahan ay sinundo na naman kami, o mas tamang sabihin ako, ni Theo. Napag-usapan din nila ang tungkol sa pagkawala ng alaala ni Mitch at hindi ako nagpahalatang may kinalaman tungkol sa bagay na 'yon.

* * * * *

Nagdaan pa ang mga araw, linggo, buwan, at patuloy pa rin ang panliligaw sa 'kin ni Theo.

Binibigyan niya 'ko ng mga rosas sa araw-araw. Hinahatid-sundo niya rin ako araw-araw. At dahil din kalat na sa buong akademiya ang ligawang nagaganap sa pagitan naming dalawa ay mas nagalit pa sa 'kin si Amanda. Sa tuwing tatlo nalang kami ni Bea at Yvonne ay do'n niya 'ko hinaharangan at ginagawan ng kung ano-anong bagay. Hindi ko nalang siya pinapatulan pa dahil hindi naman ako nasasaktan, subalit sa oras na masaktan ako o isa sa mga kaibigan ko ay hinding-hindi ko siya uurungan.

Ngayon ay panibagong araw na naman. Lunes na at naghahanda na kami para pumasok sa mga klase namin. Nang matapos na sa paghahanda ay sabay kaming tatlo na lumabas sa dormitoryo at nang tuluyang makalabas ay agad akong natigilan.

"Oh? Wala yata ang sundo mo ngayon, Sham?" ani Yvonne. Tama siya, wala si Theo sa harap ng gusali kung saan parati siyang naghihintay. Bigla akong nanibago dahil nasanay na ako na palaging siya ang bubungad sa akin paglabas namin ng dormitoryo.

"Baka may ginagawa lang, so, baka busy." komento naman ni Bea.

"Tara na." anyaya ko nalang sa kanilang dalawa at iwinakli nalang ang bumabagabag sa aking isipan.

Nakarating na kami sa main building at paakyat na kami sa ikalawang palapag kung saan ang silid-aralan namin nang bigla kaming mapatigil dahil sa biglaang pagdagsa ng maraming estudyante. Lahat sila ay pababa at mukhang nagmamadali.

Nagkatinginan kaming tatlo at maya-maya pa ay may hinilang isang babae si Bea.

"Ouch! Hey! Ano ba! Let go of me!" maarteng anas nito. Sapilitang pinaharap naman siya ni Bea sa amin at nang mapadako ang tingin niya sa 'kin ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon