SHAMIERE'S POV
Nakita ko kung paanong tumilapon ang tila lantang katawan ni Mitch sa malayo.
Sobrang bilis nang pagtibok ng puso ko sa takot para sa kaniya. Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya at naabutan ko siyang nakatihaya sa lupa.
Alam kong may iniinda siyang sakit sa loob-loob niya sanhi nang paggamit ng itim na enerhiya ni Zokus sa kaniya.
Pero agad na napalitan nang matinding galit ang pag-aalalang nararamdaman ko nang unti-unti niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.
Dinama ko ang tibok ng puso niya at napanatag ako nang marinig ang sunod-sunod ngunit mahinang pagtibok nito, gayunpaman ay hindi iyon naging sapat na dahilan upang mapigilan ang galit na nararamdaman ko sa taong gumawa niyon.
Ramdam ko ang biglaang pagliyab ng mga mata ko kasabay nang mabilis na pagbalot sa akin ng tubig at dagliang pagyanig ng buong paligid kasunod nang malakas na pag-ihip ng malamig na hangin.
Mabagal akong tumayo habang nanlilisik ang nag-aalimpuyo't umaapoy kong mga mata na tumingin sa kaniya.
Hindi ko palalampasin ang ginawa niya!
Lumapit ang mga magulang ni Mitch at mabilis na inalalayan ang kanilang anak, samantalang ako ay napako na ang paningin sa nilalang na ngayon ay makahulugang nakatitig sa akin.
Namuo ang bolta-boltaheng kuryente sa mga kamay ko.
Dahan-dahang gumapang ang tubig patungo sa mga braso ko, lumiyab at lumagablab ang kulay pulang apoy sa mga palad ko. Lahat ng elemento ay napalibutan ako dahilan para mapatigil ang lahat ng mga kasamahan ko at laglag ang pangang napatitig sa akin.
Halata sa mukha nila na hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita.
Subalit hindi na ako nag-abala pang bigyan sila ng pansin at bagkus ay itinuon ang aking atensyon sa kalaban.
Buong lakas kong ibinagsak ang kanang paa ko sa lupa na dagliang nagpabitak sa lupa patungo sa direksyon na siyang kinatatayuan ni Zokus. Ngunit bago pa man ito tuluyang makarating sa kaniya ay isa nang malaking tipak ng lupa ang agarang umusli sa kaniyang harapan na siyang nagpawalang bisa sa aking ginawa.
Mapilantik kong iwinasiwas ang kanan kong kamay sa aking harapan dahilan upang agad na magsihawian ang lahat ng naroroon papunta sa gilid.
Ilang sandali pa ay marahan kong iniangat ang magkabila kong kamay sa itaas mismo ng ulo ko at bumuo nang napakalaking bolang gawa sa lahat ng pinagsama-samang apat na elemento.
Lupa, apoy, tubig at hangin.
Matapos niyon ay hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis itong pinakawalan pabulusok sa kalaban.
Papunta kay Zokus.
Dahil sa bilis nang pag-atake kong 'yon ay hindi na niya ito nagawang iwasan pa, isang napakalakas na pagsabog ang siyang naganap dahilan upang marahas na magsitalsikan ang mga bato't maging ang mga kalupaan na agarang naglipana sa buong kapaligiran.
Binalot ng pinaghalong usok at alikabok ang buong lugar lalong-lalo na ang kinasasakdalan nito kanina.
Ilang saglit pa'y unti-unting bumalik sa normal ang kulay ng mga mata ko, tuluyang naglaho ang naglalagablab na mga apoy.
At nang tuluyang mawala ang usok ay nasilayan ko ang malaking pagguho ng lupa sanhi ng aking ginawa.
Subalit agad akong nakaramdam ng kakaiba. Tila'y may hindi tama.
Masinop kong sinuyod ng tingin ang malawak na paligid subalit bigo pa rin akong mahagilap siya, bigo akong makita si Zokus.
Alam kong buhay siya. Hinding-hindi niya ako maloloko. Batid ko ang buo niyang pagkatao't kabuuan ng kaniyang kapangyarihan at kakayahan kung kaya't nasisiguro kong hindi ang atakeng iyon ang siyang makakapagpabagsak sa kaniya.

BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...