Chapter 68: Time

8K 406 53
                                    

Shamiere's POV

Matapos ang announcement ay agad na kaming nagsilabasan ng gymnasium.Nagkita-kita kami sa labas nila Theo at maging si Dawn at Amanda ay nandito rin.

"Hey." Salubong sakin ni Theo at ginawaran ako ng isang mabilisang halik sa pisngi.Ginantihan ko naman siya ng isang pilit na ngiti.

Hindi pa rin mawala ang kakaibang nararamdaman ko sa ibinalita sa amin.Pilit kong iwinaksi iyon sa isip ko at tinuon ang atensyon ko sa mga kasama ko.

"Cafeteria muna tayo!Gutom nako!" Saad ni Eros habang nakaakbay kay Bea.

"Ha? Kakakain lang namin sa dorm eh." Sagot ni Bea sa kaniya.

"Ede samahan niyo lang kami."

Hindi ko nalang sila pinakinggan pa at tumingin nalang kay Theo.

"Ikaw? Kumain kana?" Tanong ko.Hinawakan niya ang kamay ko bago ako ngitian at umiling.

"Just seeing you makes me already full." Banat pa niya na ikinapula ko.

"Ah Sham?" Sabay kaming dalawa napatingin kay Mitch nang tawagin niya ako.Base sa sinabi nila kahapon ay tila malalim raw ang iniisip nito at kung titingnan siya ngayon ay parang may matinding iniisip nga siya.

Abala pa ang iba sa pakikipag-usap kaya walang nakakapansin sa aming tatlo dito.

"Ano yun Mitch?" Tanong ko.

"A-Ah ano, k-kasi." Tila nagdadalawang-isip pa siya kung sasabihin niya sa akin ang dapat niyang sabihin.

Dala ng kuryusidad ay ginamit ko ang abilidad ko sa kaniya.

'Sasabihin ko ba o hindi? Pero pano kung magalit siya pag hindi ko sinabi? Pero gusto kong malaman kung ano ang nakapaloob sa bagay na yun.'

I read her mind.

Napakunot ang noo ko dahil sa nabasa.Anong bagay ang tinutukoy niya?

"A-Ah w-wala wala." Sambit lang niya at mabilis na naglakad papunta kina Bea.

"What's wrong with her?" Naibulalas nalang ni Theo.Hindi naman naalis ang paningin ko kay Mitch.Something's bothering her.Hanggang sa lumampas ito sa kaniya at dumapo ito kay Dawn na hindi ko inaasahang nakatitig sa akin.Walang makikitang emosyon sa mga mata niya ngunit nang mapagtantong nakatingin ako sa kaniya ay agad agad siyang ngumiti at kumaway sa akin na ginantihan ko lang ng pagtango.

"Let's go." Ani Van at naunang maglakad na sinundan naman ng iba pa.Nagulat nalang ako nang akmang maglalakad na kami ni Theo pasunod sa kanila ay biglang may kamay na pumulupot sa braso ko.Pagligon ko ay dun ko nakita si Amanda na maarteng nakatingin sa likod ni Dawn.Maya maya pa'y tumingin siya sa akin at ngumiti.

"We're already friend so dapat masanay kana sakin." sambit pa niya at nilapit ang bibig sa tenga ko.

"Besides,hindi ko na aagawin ang boyfriend mo.Haha." Bulong niya sa akin at saka ako kinindatan.Napailing nalang ako sa kaniya.

"Hey let's go." Anyaya sa amin ni Theo kaya sabay kaming napatingin sa kaniya at tumango.

Nag-umpisa na kaming maglakad pasunod sa mga kaibigan namin.

Nasa gilid na kami ng field at ilang hakbang nalang ay maabutan na namin sila nang bigla akong makaramdam ng kakaiba.Isang bumubulusok na bagay ang patungo sa likuran ko,mabuti nalang at mabilis na gumana ang senses ko kaya bago pa man tumama sa akin ang bagay na iyon ay mabilis kong ingangat ang kamay ko dahilan para maipit ang bagay na yun sa pagitan ng dalawang daliri ko.

"Oh my gosh!" Tili ni Amanda nang masaksihan ang nangyari.Agad na nagsilingunan sa amin ang mga kasamahan namin at nagsitakbuhan papalapit.

"Damn it! Are you okay?!" Nag-aalalang tanong ni Theo habang sinusuri ang daliri ko.Tinanguan ko lang siya at kunot-noong inilibot ang paningin sa paligid.Nagbabakasaling mahuli ko ang may kagagawan niyon.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon