Chapter 89: The Howling Wind

13.5K 437 51
                                    

THIRD PERSON'S POV

Hindi makapaniwala ang mga magulang ni Serene kung papaano iyong nakayanang gawin ng kanilang anak.

Hindi nila inakalang ganito kalakas at kabagsik ang kapangyarihan na itinataglay ng dalaga.

Ngayon ay nakapaloob silang dalawa sa malaking bolang gawa sa tubig kung saan malaya silang nakakahinga nang maluwag.

Ilang sandali pa ay sinibukan nilang kontrolin ang tubig sa paligid nila at hindi naman silang nabigo na gawin ito.

Kinontrol nila't ipinalaho ang tubig sa bawat daang dinadaanan nila.

Pilit nilang inaaninag ang kapaligiran subalit wala silang ibang masilayan kung hindi ay ang mga nakalutang na bangkay ng ibang mga estudyante't mamamayan at maging ng mga kalaban. Hindi rin nakatakas sa paningin nila ang gusali na dati-rati ay isang malakastilyong paaralan ngunit ngayon ay lubog na sa katubigan.

Dahil doon ay napaiwas ng tingin ang Reyna. Labis siyang nasasaktan sa nakikitang tanawin sa kanilang harapan.

Ilang saglit pa ay tumigil ang Hari at walang ano-ano'y tumingin sa kasama.

"We should end this now; many people had sacrificed their lives to this war. The lives of Terrenians. . . I can't let their sacrifices go in vain."

Naluluhang napatango-tango naman ang Reyna.

Magkahawak-kamay nilang itinaas ang kanilang mga palad at unti-unting namuo ang kulay asul na enerhiya mula rito.

Hindi nagtagal ay nagsimulang gumalaw ang tubig na umaalon-alon patungo sa magkakaibang direksyon. Dahan-dahang umangat ang tubig paitaas, subalit hindi pa man din ito tuluyang naaangat ng ilang dipa mula sa lupa ay muli na itong bumagsak bagay na agarang nagpakunot-noo sa mag-asawa.

Sila ang Hari at Reyna ng kaharian ng tubig. Hawak nila ang elementong tubig, ngunit bakit hindi nila magawang paglahuin ang tubig sa kinaroroonan nila.

Hanggang sa ilang saglit pa ay muling natahimik ang
Hari. Doon nito tuluyang napagbulay-bulay ang nangyayari.

"Hindi natin matatarok ang lakas at kakayahan ng isang tao kapag galit na ang pinairal nito." wala sa sarili nitong sambit. Ngayon niya lang napagtanto kung papaanong nagawa ng kanilang anak ang lahat ng iyon, at ito ay dahil sa galit.

Subalit nang dahil din sa galit na iyon ay nadamay maging ang kanilang mga kapanalig, nasawi ang buhay ng kanilang mga kakampi.

Nabalik sa wisyo ang mag-asawa nang makaramdam sila nang kakaiba sa kanilang paligid.

Muling gumalaw ang tubig na nakapalibot sa kanila ngunit sa pagkakataong ito ay patungo na ito sa iisang direksyon.

"What is happening?" naguguluhang tanong ng Reyna ngunit hindi kaagad nakasagot ang Hari.

"Who's controlling this?" dagdag pa nito ngunit nanatili pa ring tikom ang mga labi ng huli.

Hindi kalaunan ay nagulantang na lamang sila nang umangat ang lahat ng tubig na siyang nasa kapaligiran patungo sa himpapawid at nag-umpisang pumaikot-ikot na wari ba'y ipo-ipo.

At dahil sa pangyayaring iyon ay tuluyang nawala ang tubig na siyang nasa kalupaan dahilan upang muli nilang masilayan ang kanilang mga kapanalig kasama na ang mga Hari't Reyna, mga mamamayan, mag-aaral at mga guro ng akademiya na ngayon ay nakapaloob sa kaniya-kaniya nilang mga salamangka upang maprotektahan ang kanilang mga sarili sa lakas nang bagsik at hagupit ng tubig kanina lang.

Samantalang ang mga Zokusians nama'y hindi na nila nagawang mamataan pa na siyang ibanalewala na lamang nila.

Nagtataka't nagsasapantaha nilang ipinalaho ang kani-kanilang mga mahika at tiningnan ang tubig na ngayon ay unti-unting nagiging malaking ipo-ipo.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon