Chapter 56: Mermaid

8.9K 448 20
                                    

Mitch's POV

Nasilayan ko ang dahan-dahang panghihina ng mga halimaw dahil sa tinig na nanggagaling kay Shamiere.Maging ako at ang mga kasama ko ay parang dinuduyan sa sarap sa pakiramdam ng boses na aming naririnig.Hindi pangkaraniwan at sadyang kaaya-ayang pakinggan.

Nakakahumaling at gugustuhin mo nalang na matulog sa tinig na iyon.

Makalipas ng ilan pang minuto ay nasaksihan namin ang pag-iiba ng mga mata ng mga halimaw.Kung nung una ay parang nanlilisik ang mga mata nila ngayon ay biglang naglaho ang emosyon sa mga ito.

Nagsimula silang umungol at umatungal dahilan para mabalik kami sa wisyo at mapatakip kami sa mga tenga namin.Nagsimula silang maglaban-laban na tila ba napasailalim sila ng mahika,nilalabanan nila ang kapwa nilang mga halimaw.Dun nako napatitig ng husto kay Shamiere.Napagtanto kong maaaring kagagawan ng boses niya ang lahat ng ito.

Nagsimula siyang lumangoy papunta sa amin.

Muli ko na namang nakita ang napakagandang buntot niya.Isa na naman siyang sirena.

Ngunit ang sunod niyang ginawa ay ang mas nagpamangha hindi lamang sa akin kundi maging sa aming lahat.

"Dalian niyo! Hindi magtatagal ay mawawalang bisa rin ang ginawa ko!" Nagsalita siya sa ilalim ng tubig! Nakakapagsalita siya at napakaganda ng boses niya!

Nanlalaki naman ang mga matang nakatingin sa kaniya si Dawn na mahahalatang gulat na nakatingin sa kabuuan niya.

Hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng kakaiba.

Parang sumisikip ang hininga ko.

Parang mauubusan ako ng hangin.

Nang tingnan ko ang iba ay bigla nalang din silang napahawak sa mga dibdib nila na tila ba hindi na makahinga.

Nawawalan na kami ng hininga!

Hindi ko din magawang bigyan sila ng sapat na hangin dahil nasa ilalim kami ngayon ng tubig.

Nahalata ni Sham na nahihirapan na kami sa paghinga kaya buong lakas siyang sumigaw.

"Kumapit kayo sakin!"

Hindi na kami nag-atubili pa at agad nang kumapit ng mahigpit sa kaniya.Ang iba ay nasa kabilang balikat niya at kami naman ay nasa kanang balikat niya. Puno ng kaba ang puso ko dahil sa pag-aakalang hindi niya kami makakaya dahil sa dami namin.Ngunit nagkamali ako, parang isang kidlat siya sa bilis niyang lumangoy paibabaw ng tubig.

Ilang minuto lang ang nagdaan ay nakarating na kami sa ibabaw at sabay sabay kaming suminghap ng hangin.

"S-Sirena ka?" Agad na bungad ni Dawn kay Sham.Tinitigan niya lang ito at hindi sinagot.

"Where's the Aquos?" Si Theo.Halatang hindi niya pinapansin si Sham.

"Nandito- nasaan na yun?"

"What do you mean nasaan na yun?!" Inis na usal ni Serene.Nagulat man si Dawn ay binalewala nalang niya yun at agad na luminga-linga sa tubig.

"Hawak ko lang kanina yun eh.Nasaan na."

"Titignan ko sa baba."

Bago pa man namin mapigilan si Sham ay hampas ng buntot nalang niya ang nakita namin matapos niyang sumulong sa ilalim.

"Damn it!" Mura ni Theo.Napatingin ako sa kaniya at agad na nagsalita.

"Hindi naman niya kasalanan na napahiwalay siya sa atin." Binaling niya sakin ang paningin niya at muling umiwas ng tingin.

"I-I know."

"Eh bakit ganun ang trato mo sa kaniya? Hindi mo man lang-"

"GROOAAAAAARRRR!!!"

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon