SHAMIERE'S POV
Hindi ako nakapagsalita.
Wala akong ibang nagawa kung hindi ang tingnan lang siya sa kaniyang mga mata habang siya'y nanatiling makahulugang nakatitig sa akin.
Ako na ang kusang pumutol sa pagtitigan naming iyon at pagkuwa'y mabilis na umiwas ng tingin.
"K-Kahit anong sabihin mo, alam ko ang totoo, ang totoo na hindi ikaw ang totoong siya. Kaya wala kang karapatang magsalita ng ganyan. Sabihin mo sa totoong Zokus, na huwag siyang duwag. Ako ang harapin niya at 'wag niyang idamay ang mga kaibigan ko!"
Matapos kong bigkasin ang mga salitang 'yon ay mabilis akong bumuo ng bolang apoy at agad itong ipinabulusok sa direksyon niya. At dahil sa labis na mabilis ang ginawa kong pag-atake ay hindi siya nakahanda dahilan upang gulantang siyang mapaiwas doon.
Kinuha ko ang pagkakataong 'yon upang kunin ang librong na sa kahon.
Agad akong tumakbo papalapit doon at walang pag-aalinlangang kinuha ang libro.Bago pa niya ako mapigilan ay binalot na ng puting usok ang aking kabuuan.
Ang huli kong nakita bago maglaho sa kaniyang harapan ay ang seryoso't nanggagalaiti niyang mga titig diretso sa aking mga mata.
A Clone.
Iyan ang tawag sa kaniya. Hindi siya ang totoong Zokus, maaaring napakalakas niya subalit hindi iyon umaabot sa kalahati ng kapangyarihang tinataglay ng totoong Zokus.
Iisa sila ngunit hindi pa rin siya ang totoong siya.
Agad akong lumitaw sa harapan ng mga kaibigan kong kasama ang ibang mga kalaban.
Nang makita nila ako ay agad silang tumakbo at akmang aatakihin ulit ako ngunit sa isang kumpas ko ng aking kamay ay agaran silang natigilan.
Naestatwa sila mula sa kanilang kinatatayuan.
Bagamat hindi ako kumibo't nanatiling nakatitig lamang sa kanilang lahat.
Pagod na ako.
Tama na 'to.
Walang emosyon ang mga mata kong tinitigan sina Theo bago ko buksan ang aking palad. Ilang sandali pa ay may lumabas na kulay puting usok mula rito at daglian itong pumunta sa kanilang gawi. Agad itong pumaikot sa kanilang lahat at kasabay nang paglaho nito ay ang dagliang paglaho ng itim na salamangka sa katauhan nila.
Nasaksihan ko kung paanong bumalik sa dating kulay ang kanilang mga buliga at sunod-sunod na mawala ang itim na mga ugat na nasa katawan nila.
Tuluyan na silang bumalik sa dati.
Datapwat katumbas nang ginawa kong iyon ay ang dagliang panghihinang naramdaman ko.
Dahan-dahang nagsimulang manlabo ang paningin ko at bumibigat ang talukap ng mga mata ko.
Marahan ko pang mas hinigpitan ang pagkakahawak sa librong nasa kaliwa kong kamay at bago pa man ako tuluyang bumagsak ay nakita ko pa ang papalapit na pigura ng isang lalaki.
"T-Theo."
Ilang saglit pa ang nagdaan at tuluyan nang bumagsak ang lupaypay kong katawan.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong buhat-buhat ng magkabilang bisig ng lalaking ngayon na sa 'kin ay nakatitig.
Nasilayan ko pa ang labis na pag-aalala't pagkabahala sa kaniyang mga mata bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.
THEO'S POV
"I'm so stupid! Ang tanga tanga ko!" puno nang inis kong anas bago muling sinuntok ang pader ng clinic.
"Stop it, Theo! It's not our fault." agad na pagpigil sa 'kin ni Serene pero hindi ko siya pinakinggan.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...