Chapter 22: With Them

17.6K 703 72
                                    

SHAMIERE'S POV

Hindi ako nakasagot sa itinuran ng tatlo at nanatiling gulat na nakatitig sa kanila.

"Damn it!" natauhan lang ako nang marinig ko ang sunod-sunod na pagsigawan nila. Pagtingin ko sa kasuotan nila ay lumiliyab na ito sa apoy na naroroon. Agad-agad naman nilang ginamit ang kanilang mga mahika upang maalipula ang apoy.

"What was that, Theo?!" sigaw nila sa lalaking nanatiling nakaupo sa tabi at kalmadong nagbabasa.

"What?" inosinteng tugon lang nito.

"W-What! Nakakaasar ka, dre, ah!" sigaw ni Eros dito.

Nang muling akmang lilingon ang tatlo pabalik sa 'kin ay muli silang napasigaw habang nagsisitalon.

"Damn!"

"Fuck!"

"Crap!"

"Sorry, I didn't mean to." ngingisi-ngising sambit ni Theo sa kanila.

Muli nila itong ginamitan ng kanilang mga kapangyarihan pero mas sumiklab lang ito.

"Serene! Water!" tarantang sigaw nila at agad namang nagpalabas ng tubig sa kamay si Serene at sinaboy ito sa direksyon nilang tatlo.

Napagalpak naman ang lahat ng tawa dahil sa mga itsura nila.

"Hahaha! Mukha kayong mga basang sisiw!" tukso pa ni Kianah.

"Aish! Nakaka-ilan ka na, dre, ah!" inis nang sigaw ni Gino. Inangat naman ni Theo ang kamay niya sa ere at pinakita ito.

"H-Hehe, biro lang, dre."

Inabutan sila nina Mitch ng pamunas na agad naman nilang kinuha't ipinunas sa kanilang katawan.

"Biro lang 'yong tanong namin Sham, pero kung pwede ka namang ligawan, pwede ring hindi na biro 'yon, hahaha!" ani pa ni Gino. Napatawa na naman ako sa tinuran niya.

"Pansin kong madalas ka ng tumawa at ngumiti Sham, ah? Magmula no'ng makasama mo 'yong lalaking taga Bronze Section, parang naging masiyahin kana." saad ni Lash na may nanunuksong tingin. Agad naman nila akong tinukso kay Miko.

"Hindi, ah, masaya lang talagang kasama si Miko." sagot ko sa kanila.

Nagulat naman kami nang biglang padabog na tumayo si Theo mula sa pagkakaupo at binato ang hawak niyang libro sa sahig.

"It slipped." inosinteng sambit niya at pinulot ito, pagkatapos ay pumasok siya sa loob ng isang silid dito at padabog na sinarado ang pinto.

Humagalpak naman silang lahat sa tawa.

Taka akong napatingin sa kanilang lahat.

"What just happened?" walang ideyang tanong ko.

Tatawa-tawa naman silang bumaling sa 'kin.

"HAHAHA! May nag seselos, eh." tumatawang ani Mitch.

"HAHAHAHA! Alam niyo na."

"HAHAHA! Iba na 'yon, eh."

"HAHAHAHAHA! What do we expect?"

"Pero maiba nga tayo? Boyfriend mo na ba 'yong palagi mong kasamang lalaki? 'Yong Miko?" hindi na 'ko nagulat pa sa tanong na 'yon ni Bea dahil parati naman kaming pinagkakamalan ni Miko.

Akmang sasagot na sana ako sa tanong na 'yon ni Bea nang maunahan ako ng kung sinuman.

"Tss!"

Natigilan kami sa singhal na 'yon kasabay nang dagliang paglindol at paglaho ni Van mula sa kaniyang pagkakaupo.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon