SHAMIERE'S POV
Alam kong oras na ng klase ngayon nina Miko kaya naman napagpasyahan kong puntahan siya sa silid nila.
Bronze Section.
Gusto ko rin kasi siyang makausap. Gusto kong may pagsabihan kahit papaano.
Nakarating ako sa harap ng silid nila at mula rito ay natanaw ko siyang nakaupo sa upuan niya at nakapangalumbaba sa mesa. Wala nga siyang kaibigan dito.
Maya-maya pa ay may lumapit sa 'king tatlong kalalakihan. Mga kaklase niya 'ata.
"Hi, Shamiere. May kailangan po kayo?" nakangiting tanong ng isa sa kanila.
"A-Ah, Shamiere, i-ito po, oh, p-para sa inyo." binigyan ako ng pangalawang nagsalita ng isang rosas. Nahiya naman akong tumanggi kaya naman ay tinanggap ko na rin.
"Salamat." nakangiting tugon ko sa kaniya.
"Sino pong hinahanap niyo?" tanong naman ng pangatlo. Muli ko naman silang nginitian at hindi ko alam kung bakit bigla na lang silang namula.
"Wala pa ba kayong klase?" tanong ko.
"Wala pa po ang professor namin, eh."
"Ah, p-pwede niyo bang tawagin si Miko?"
"Si Miko po? Miko Werlock?"
"Oo, siya nga." pagkumpirma ko at tinuro si Miko. Hindi naman sila nagdalawang-isip pa't tumango at pagkuwa'y naglakad pabalik sa loob ng kanilang silid bago lumapit kay Miko at tinapik ito sa balikat.
Napangiti pa ako nang makita ko siyang kinukusot ang dalawa niyang mga mata at inosinteng tumingala ro'n sa tatlo, hanggang sa mapadako sa 'kin ang mapupungay niyang mga mata at bigla na lang ngumiti na parang sira.
Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa akin. Natawa ako sa naging reaksyon niya.
"Miss mo na 'ko agad?" biro niya kaya nakatanggap siya ng batok mula sa 'kin. Nakanguso siyang tumingin nang masama sa 'kin.
"Aray! Ang sakit no'n, ah?!"
"Hahaha! Ikaw kasi!"
"Oh?" nakakalokong tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"I mean, saan tayo tatambay? Cutting tayo?" nakangising aniya. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na nagsalita.
"Tara!"
* * * * *
"May hindi kasi ako sinasabi sa kanila. Hindi dahil sa ayaw ko, kung hindi ay dahil sa hindi pwede." mahinang sambit ko habang nakatingin sa damuhan.
Nandito ulit kami sa hardin, ginawa na naming tambayang dalawa 'to. Nasa harap ko lang siya at kasalukuyan ding nakaupo sa damuhan.
"Ano ba kasi ang hindi mo sinasabi sa kanila?"
"Bagay na hindi ko rin pwedeng sabihin sa 'yo." agad na sagot ko bagay na mabilis niyang ikinanguso. Lumobo ang dalawa niyang pisngi, senyales na nagtatampo siya. Kilala ko na 'to.
"Ano ba yan." bulong niya pero narinig ko rin naman.
Bahagya akong natawa sa iniasta niya at umusod para lumapit sa kaniya. Pinisil ko ang magkabila niyang pisngi at pinanggigilan ang mga iyon.
"Pero nandito ako kasama ka kasi alam kong mapapagaan mo ang loob ko." bawi ko. Agad namang lumiwanag ang mukha niya.
"Tshologo?" tanong niya. Mas nanggigil pa ako sa pisngi niya kaya kinurot ko pa ito hanggang sa sumigaw na siya.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...