THIRD PERSON’S POV
Paika-ikang naglakad ang isang lalaki na nakasuot ng itim na kasuotan. Puno ng dumi ng lupa ang kaniyang mukha’t braso maging ang kaniyang katawan. Mag-isa na lang siyang naglalakad patungo sa isang bulwagan kung saan nakaupo ang kanilang hari.
Pinagtitinginan siya ng mga kawal na nakatayo sa gilid ng pintong kaniyang pinasukan. Hindi niya iyon pinansin dahil mas inaalala niya ang mangyayari sa buhay niya kapag nalaman ng kanilang hari ang nangyari sa kaniyang mga kasamahan.
Nagsimula nang manginig ang buo niyang katawan maging ang kaniyang kalamnan nang makita ang nilalang na nakaupo sa kaniyang unahan.
Wala nang mas nakakatakot pa sa taglay nitong enerhiya’t labis na nakakahilakbot na presensiya.
Nakatitig lang sa kaniya ang blangko’t nakakapangilabot nitong kulay itim na mga mata.
At nang tuluyang marating ang harapan ng hari ay dahan-dahan niyang iniyuko ang kaniyang ulo, at sa muli niyang pag-angat nito ay ganoon na lamang ang agaran niyang pag-atras nang tumambad sa kaniyang harapan ang nakakahindik-hindik at nakakapanindig balahibo nitong wangis.
“M-Mahal na H-Hari.” utal at nanginginig ang tinig niyang sambit dito.
Hindi kumibo ang huli at pagkuwa’y nagsimula itong umikot sa kaniya dahilan kung bakit mas lalo pa siyang manginig sa labis na pangambang umaapaw sa kaniyang sistema.
Hindi kalaunan ay tumigil ito sa kaniyang likuran at dagliang nanindig ang kaniyang mga balahibo nang maramdaman ang nakakakilabot nitong prensensiya.
Nakahinga lang siya ng maluwag nang bumalik ito sa trono, gayunpaman ay hindi maaalis ang takot sa kaniyang sikmura lalo na’t labis niyang nababatid na hindi pangkaraniwan ang isip ng nilalang na kaniyang ipinaglilingkuran.
“Nasaan ang iyong mga kasamahan?” malamig, nakakakilabot at halos magtunog higante ang tinig na wika nito. Mababahid ang awtoridad at kapangyarihan sa boses nito.
Kaya’t kinakabahan man ay pinilit niya ang kaniyang sarili na magsalita.
“W-Wala na silang lahat, m-mahal na Hari.”
Hindi kumibo ang huli. Nanatili lamang itong kalmado sa kaniyang kinaroroonan, ilang minuto pa ang nagdaan ay tumango-tango ito na wari ba’y naiintindihan ang nangyari.
“Nasaan siya?”
“H-Hindi namin siya nakuha, mahal kong Hari. Katulad ng inaasahan ay sadyang napakalas niya. N-Napatumba niya kaming lahat, napaslang niya ang aking mga kasama at ako lamang ang tanging nakaligtas mula sa mga kamay niya.”
“Napatumba niya kayong lahat?” pag-uulit nito sa kaniyang mga iniusal dahilan upang siya’y makaramdam nang pagkabahala.
“O-Opo, mahal na Hari.”
Muli itong tumango-tango bago muling tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo.
Ilang sandali pa ang naglaon at agad niyang sinakop ang distansya nilang dalawa sa loob lang ng ilang segundo bagay na lubos na ikinagitla’t ikinatuod ng lalaki.
“LAPASTANGAN!!!”
Napasalampak sa malamig na sahig ang lalaki’t nanlalaki ang mga buligang napatingala sa hari na ngayon ay nanlilisik ang kulay itim nitong mga mata habang nakatitig sa kaniya.
“NAPATUMBA NIYA KAYONG LAHAT GAYONG ILANG LIBONG HUKBO ANG LUMUSOB UPANG SIYA’Y KUNIN?! MGA WALANG SILBI!”
Sa pagsigaw niyang ‘yon ay nagkandawasak-wasak ang mga kagamitang nasa loob ng bulwagang iyon bagay na mas ikinatakot ng lalaki.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...