Chapter 9: Messed with the Wrong One

21.2K 996 15
                                    

SHAMIERE’S POV

Nagising ako nang maaga at napagdesisyonang maghanda nalang upang pumasok na. Pagkalabas ko sa kwarto ay napansin kong wala pa ang dalawa sa sala at malamang ay natutulog pa, kaya't napagpasyahan kong mauna na lang kumain at pumunta na sa classroom.

Habang naglalakad ako papunta sa main building kung saan ang aming silid ay may tatlong lalaking sumulpot sa harapan ko.

Malayo-layo ito mula sa ibang mga gusali at medyo makitid ang daan kaya wala masyadong mga estudyanteng dumadaan o napapagawi rito.

"Tama nga ang sabi nila, napakaganda mong babae." sabi ng isa at tiningnan ako ng may pagnanasa.

"Ngunit sayang lang at mababawasan ‘yang ganda mo sa gagawin namin sayo." dugtong pa ng isa sa kanila at pagkuwa’y nakakakilabot na tumawa.

"Pasensya kana miss, napag utusan lang kami ni Amanda. Hindi mo kasi dapat kinakalaban ang taga Gold Section eh, ‘yan tuloy matuturuan ka namin ng leksyon. Tsk tsk tsk!" sabi ng lalaking medyo may kaliitan.

Tiningnan ko lang sila ng blankong tingin.

"Ano? Huag na nating patagalin to mga pre, umpisahan na natin!" sabi ng isa sabay taas ng isang kamay niya. Sinunod naman siya ng dalawa niya pang mga kasama. Ilang segundo pa ay may paparating na sa aking mga iba't ibang uri ng kapangyarihan.

I smirked devilishly.

"You messed with the wrong person, assholes."

YVONNE'S POV

Habang naglalakad kaming dalawa ni Bea ay siyang pagtunog ng speaker na nakadikit sa pader. Hindi namin kasama si Shamiere dahil paggising namin ay wala na ito doon at malamang ay nauna nang pumasok.

"Attention students, please proceed right away in the gymnasium for the announcement."

"Attention students, please proceed right away in the gymnasium for the announcement."

"Attention students, please proceed right away to the gymnasium for the announcement."

Nang marining ‘yon, ay dali-dali na kaming pumunta sa gymnasium. Nasa pintuan na kami nang makapanabay namin ang mga Royalties.

"Oh, hey guys!" bati samin ni Mitch at ng iba pa.

"Mitch, kumusta? Hehe."

“Mabuti naman, kayo?” bago pa man kami tuluyang makasagot ay agad nang nagsalita ang isa sa mga kasama ni Mitch na walang iba kung hindi si Theo.

"Where's Shamiere? Bakit hindi niyo siya kasama?" tanong sa amin ni Theo.

"Ahh paggising kasi namin wala na siya, malamang nauna nang pumasok. Baka nga nandito na ‘yon sa loob, eh." sagot ko naman sa kaniya. Tumango lang siya.

"Siguro nga, kaya Theo ‘wag ka nang mag -alala pa.” ani Gino at humigikgik.

“Tara na guys, pasok na tayo." dagdag pa nito na ikinasinghal lang ni Theo.

"Tsk.”

Pagkapasok namin ay madami-dami ng estudyante ang naroroon at nakaupo na sa mga upuan.

Pumwesto naman kaming dalawa ni Bea sa gitnang bahagi habang ang mga Royalties ay nasa unahan dahil may sarili silang pwesto do’n. Nagpalinga-linga kami sa paligid, umaasang makikita namin si Shamiere pero wala talaga siya dito.

After a couple of minutes ay lumabas na si Headmaster Jiro galing sa backstage.

"Good morning Terrensians! I called you today because of an important announcement." saad niya.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon