SHAMIERE'S POV
Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang makalabas ako ng silid-pagamutan.
Isang linggo ko na ring napapansin na mas napapadalas na ang pagsama ni Dawn sa amin.
At isang linggo ko na ring hinahanap ang susi.
Alam kong dito lang sa loob ng akadekiya napadpad ang susing 'yon nang itapon ko ito sa loob ng portal. Ngunit halos nalibot ko na ang buong akademiya pero hindi ko pa rin ito magawang makita.
Noon ay kampante pa akong hindi ko hawak ang libro dahil na sa akin ang susi. Hindi nila magagawang buksan ang libro kahit na anong mahika't salamangka man ang gamitin nila sa kadahilanang tanging ang susi lamang na iyon ang siyang makakapagpabukas nito.
Subalit ngayon ay labis na akong nababahala dahil hindi lang libro ang nawawala kung hindi maging ang susi.
Ang librong iyon ay hindi pangkaraniwan, dahil may taglay itong kapangyarihan.
Lubos na kakaiba.
Lubos na napakalakas.
At sa oras na napasakamay ito ng mga kalaban ay mananaig na ang kasamaan dahil ang librong iyon ay may kakayahang baguhin ang itinakda.
Ang librong iyon ay may kapangyarihang baguhin ang itinadhana.
That book can change the prophecy itself.
"Sham? Are you okay?"
Napaangat ang tingin ko kay Megan nang sambitin niya ang mga salitang 'yon. Doon ko lang napagtantong kanina ko pa pala tinititigan ang pagkaing nasa harapan ko at hindi man lang ito ginagalaw. Nang tingnan ko ang iba ay nakatingin lang din sila sa akin na tila ba'y nagtataka't nag-aalala.
Nandito kami ngayon sa cafeteria para sa pananghalian namin at kagaya ng mga naunang araw ay kasama pa rin namin si Dawn. Nasa harapan ko siya at katabi ko naman si Theo.
"Ayos lang ako, may iniisip lang." pagdadahilan ko na lang sa kanila.
"Sigurado ka bang ayos ka lang, Sham?" tanong ni Dawn. Hindi ako sumagot at bagkus ay tinitigan lang siya.
Ilang beses ko nang sinubukang basahin kung ano ang nasa isip niya, subalit isang malaking palaisipan para sa akin kung bakit hindi ko man lang ito magawang basahin. Tila ba ay may kung ano ang siyang pumipigil sa akin, isang panangga na kagaya ng sa akin. Lubhang napakalakas.
"Sham?" tawag pansin niya pa ulit kaya napilitan akong ngumiti sa kaniya bago tumango. Tinanguan niya lang din ako at nagpatuloy na sa pagkain. Maging ang iba ay bumalik na rin sa kaniya-kaniya nilang ginagawa.
"You sure you're fine?" biglang inilapit sa akin si Theo ang kaniyang mukha at ibinulong ang mga katagang iyon.
Muli akong ngumiti sa kaniya at marahang tumango bilang tugon at nang sa gayon ay hindi na siya mag-alala pa.
Mariin niya akong tinitigan bago hawakan ang kaliwang kamay ko at halikan iyon dahilan upang daglian akong matigilan.
Agad kong naramdaman ang pag-init ng magkabilang pisngi ko dahil sa kaniyang ginawa.
"Ehem!" isang maarteng tinig ang nakapagpabalik sa katinuan ko nang marinig namin iyon. Sabay-sabay kaming napalingon sa likuran ko at doon namin nasilayan si Amanda habang magkakrus ang magkabilang braso na nakatingin sa aming lahat.
"Mind if I join you?"
"Amanda, please." ani Van at tumayo mula sa pagkakaupo bago tuluyang lumapit kay Amanda.
"What? I'm not here to make a scene. I'm here for Shamiere, like duh!" maarteng sambit nito at agad na naglakad papalapit sa kanang parte ko at tiningnan si Yvonne na nakaupo roon.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...