Chapter 76: Shopping

7.7K 319 9
                                    

SHAMIERE'S POV

NAGISING ako sa sinag ng araw na tumatama sa pisngi ko.Unang tumambad sa akin ang kisame na nasa kwarto ko.

Nanatili lang akong nakatitig sa itaas habang inaalala ang mga nasaksihan at nalaman kagabi lang.

Napabuntong hininga ako bago ko napagpasyahang bumangon na sa higaan at dumiretso sa banyo para maligo.Dalawang araw nalang,dalawang araw nalang bago sumapit ang gabi kung saan magdidiwang ang lahat.Ang gabi kung kailan maaaring lumusob ang mga kalaban.

Napailing ako.Iwinaksi ko sa isipan ko ang mga bagay na bumabagabag sa akin.

Hindi dapat ako magpaapekto.

Tinapos ko na ang paghahanda at nang makuntento na ay lumabas ako ng kwarto.Naabutan kong nag-uusap sina Bea at Yvonne sa may sala.

Napatigil naman sila nang makita ako.

"Morning Sham." Bati sakin ni Yvonne gayun din si Bea.

"Alam mo na ba yung nangyari kagabi?" Si Bea.May ideya nako sa kung ano ang ibig sabihin niya pero umiling nalang ako para hindi sila maghinala.

"Nawasak yung maliit na gusali sa kanlurang bahagi ng Academy."

"At hindi lang yun,gumuho ang lupa sa mismong harap ng gusaling iyon."Dugtong ni Yvonne.Mabilis naman akong napaiwas ng tingin sa kanila.

"Pero mabuti nalang at naayos na.Pero iniisip ko pa rin kung sino ang maaaring gumawa nun.Ikaw Sham? May ideya ka ba kung sino?" Tanong ni Bea sa akin na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.

"W-Wala,wala akong ideya."

"Ah,oh siya hayaan nalang natin yun.Kumain nalang muna tayo,nakahanda na ang almusal sa kusina." Anyaya niya at tumayo mula sa pagkakaupo.Ganun din ang ginawa namin ni Yvonne.Nauna si Bea papunta sa hapag habang kami ni Yvonne at nakasunod lang sa kaniya.

"Sham? Saan ka nga pala pumunta kahapon? Wala ka kasi dito nang magising kami,tapos pagkadating namin kagabi,tulog na tulog kana." Pahayag niya.Tumigil naman ako sa paglalakad at tiningnan siya.

"Pinuntahan ko lang si Miko,saka nag-usap lang kami kaya masyado akong natagalan."

"Ah ganun ba.pero Sham-"

"Hoy!Bilisan niyong dalawa dyan,lalamig ang pagkain!" Hindi na natuloy ni Yvonne ang sasabihin niya nang sumigaw na si Bea.Pilit na ngumiti lang siya akin bago nagpaumunang maglakad.Nakakunot ang noong sinundan ko naman siyang tingin.

"Sham tara na!"

Nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad pasunod sa kanila.

Umupo na kami sa hapag at maya maya pa'y nagsimula ng kumain.

"Saka nga pala Yv,pagkatapos nating kumain kailangan nating pumunta sa bayan para bumili ng susuotin natin sa Ball,dalawang araw nalang yun." Excited na pahayag ni Bea kay Yvonne.

"Sige,p-pero paano si Sham? Wala siyang kasama dito,hindi rin kasi siya pwedeng sumama sa atin kasi suspended siya." Sagot niya at binalingan ako ng tingin.

Binaba ko naman ang hawak kong kubyertos bago sumagot sa kaniya.

"Wag niyo na akong alalahanin pa,ayos lang ako dito." Nginitian ko silang pareho para mapanatag ang loob nila.

"Sigurado ka Sham?" Paniniguro pa ni Bea.Tumango nalang ako sa kaniya at nagpatuloy na sa pagkain.

Makalipas pa ang ilang minuto ay naghanda na silang dalawa para umalis.

"Baka mamayang hapon pa kami makabalik Sham,sigurado kasi akong marami ring namimili dun para sa darating na Ball,saka maghahanap din kami ng iba pang mga kakailanganin namin tulad ng sandals,alahas at-"

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon