Chapter 72: Threat

11.5K 476 62
                                    

VAN'S POV

We're in the middle of talking when a melodious voice infiltrate our ears.

That familiar voice.

Sabay-sabay kaming nagkatinginan sa mga mata ng bawat isa.

"Is that. . . Shamiere?" Serene asked.

"I-I guess so." sagot ko sa kaniya.

"Grabe, ang ganda talaga ng boses niya. Parang gusto ko na lang matulog bigla, haysss." nabibighaning sambit ni Kianah habang nilalaro ang alaga nitong kuneho.

"Let's go!" walang ano-ano'y biglang saad ni Megan.

"Saan?" nagtatakang tanong sa kaniya ni Eros.

"Kay Shamiere, let's check her out."

Dahil sa narinig ay agad akong napatayo.

I admit it, I still have feelings towards Shamiere.

"Tara na!" ani Gino.

"K-Kayo na lang." si Serene. Napatingin naman ako sa kaniya.

"Are you still mad at her?" tanong ko.

"I'm not mad, I'm just disappointed dahil sa ginawa niya."

"Then, let's go." tugon ko at lumapit sa kaniya, hinawakan ko ang kamay niya bagay na hindi ko inaasahang gagawin ko.

Nang mapagtanto ang ginawa ay agad akong natigilan at mabilis na binitawan ang kamay niya. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na napaiwas ng tingin.

"E-Ehem! Let's go." ani nito at nauna nang lumabas ng pintuan.

Namumula ang dalawang pisngi akong sumunod sa kaniya.

At habang naglalakad palabas ay bigla na lang tumabi sa 'kin sina Gino, Eros at Lash na ngayon ay kapwa nang nakangisi sa 'kin.

"Nakita namin 'yon." may bahid ng panunuksong wika ni Gino kaya tumigil ako sa paglalakad at sinamaan siya ng tingin.

"Ikaw dre, ah, hindi mo sinasabi sa 'min, may lihim ka pa lang pagtingin kay Serene? HAHAHA!" agad na nabaling ang masamang titig ko kay Eros nang bigkasin niya 'yon.

"Could you just please stop? I-It was just nothing, okay?!" I stuttered.

"Nothing, daw, pero nauutal!" segundang tukso pa ni Lash.

"Aish! Y-You know what? You guys are so-argh!" mabilis akong naglakad papalayo sa kanila at sumabay na lang kina Mitch.

Habang binabagtas ang mahabang daan ay ramdam ko ang namamagitang ilang sa pagitan naming dalawa ni Serene ngunit hindi ko na lang 'yon pinagtuunan pa ng pansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Ilang saglit lang ay napansin kong dinadala na kami ng aming mga paa sa likurang bahagi ng academy, pero hindi lang 'yon ang napansin ko, hindi lang kami ang naglalakad patungo sa pinagmumulan ng tinig na 'yon kundi maging ang ibang mga estudyante at gano'n din.

Ilang minuto pa ay nasa harapan na kami ng kagubatan. Malapit sa pinanggagalingan ng magandang tinig ni Shamiere.

"Uy, guys!" tawag sa amin ni Bea. Tumakbo sila ni Yvonne papalapit sa amin.

"Narinig niyo rin 'yon? Grabe, ang ganda-ganda ng boses! Nakakainggit!" aniya habang binabalik-balik ang tingin sa loob ng kagubatan.Sumabat naman kaagad si Yvonne.

"Sobra! Saka isa pa, parang pamilyar, eh. Parang narinig ko na 'yong boses, parang si. . ." bigla silang nagkatinginang dalawa at nanlalaki ang mga matang sumigaw.

"SI SHAMIERE!"

Dahil sa ginawang pagsigaw nila ay napatingin sa amin ang karamihan sa mga estudyante. Napatakip naman agad sila ng mga labi nila sabay taas ng kamay at nagpeace sign.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon