Chapter 27: The Fight and the Mission

14.6K 683 27
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Let the bloody fight. . . begin."

Agad na natigilan ang mga kalaban kasabay nang pagbalatay ng takot sa kanilang nga mukha. Subalit hindi na nag-aksaya pa ng oras ang dalaga at agad na bumuo ng sandata na siyang gawa sa yelo na daglian niyang binalot ng apoy upang maiwasan ang pagtataka ng iba.

Nang matauhan ang mga kalaban ay agad silang lumusob sa direksyon ni Shamiere. Agad din itong tumakbo pasulong sa kanila kasabay nang pagwasiwas ng umaapoy na espadang hawak niya.

Nang akma na siyang babatuhin ng bolang gawa sa itim na apoy ng kalaban ay naunahan na siya ito nang pagbato ng kaniyang sandata't agad ito na tumarak sa dibdib nito mismo. Awtomatikong bumalik sa kamay niya ang espada at mabilis namang naging abo ang kalabang iyon.

Marami pa ang sumugod sa dalaga at patuloy lang ito sa pagwasiwas ng kaniyang espada.

Ilang sandali pa'y patalon itong lumipad patungo sa mukha ng higanteng cyclope at agad na tinusok ang malaking mata nito sanhi upang bumagsak ito.

Pagkababa niya mula sa ulo ng halimaw na iyon ay pinalilibutan na siya ng mga kalaban ngunit hindi siya nakaramdam ng kahit na ano mang takot at sa halip ay napangisi lamang ito.

Marahas siyang yumuko at buong lakas na inilapat ang kamao sa lupa dahilan para lumindol nang pagkalakas-lakas. Nang tumigil sa paggalaw ang lupain ay siyang pagbitak ng malalaking tipak ng lupa hanggang sa lumaki ito nang lumaki. Agad na napaatras ang lahat ng naroroon kasama na ang mga estudyante, hindi pinansin ng dalaga ang mga kamag-aral at bagkus ay sinakop nito ang distansya sa mga Zokusians at buong lakas silang sinipa't itinapon pabagsak sa malaking bitak ng lupang iyon.

Nang maubos na mahulog ang mga kalaban sa parteng iyon ay ikinumpas nito ang kanang kamay dahilan para tuluyang magsara ang malaking bitak ng lupa.

Pasiring nitong ibinaling ang paningin sa mga natitirang Zokusians at bakas na bakas sa mga ito ang pagkahindik at kilabot sa kanilang mga nasaksihan.

Hindi pinansin ng dalaga ang takot na nakabalatay sa mga mukha nila at sa halip ay marahan nitong iniangat ang magkabilang kamay sa ere at bumuo ng isang napakalaking bolang apoy at marahas itong pinabulusok patungo sa kanila.

Isang kahindik-hindik na sigaw ang kumawala sa mga labi nila bago sila tuluyang naging abo't maglaho na parang bula.

Nang matapos iyong gawin ng dalaga ay inilibot nito ang paningin sa buong paligid at natigilan siya sa nakita.

Gulat.

Pagkamangha.

Kaba at takot.

Iyan ang makikita sa lahat ng mga naroroon na nakapalibot sa kaniya habang laglag ang kanilang mga panga.

"Shamiere!" napalingon siya nang marinig ang pagtawag sa kaniya ng kaibigan niyang si Bea at do'n niya ito nakita kasama ang iba pa nilang mga kaibigan na tumatakbo patungo sa kinaroroonan niya't agaran siyang hinagkan nang napakahigpit dahilan upang bahagya siyang magulat.

"Ayos ka lang ba?! May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong nila habang sinusuri ang kabuuan nito.

"Ayos lang ako." tugon nito sa mga ito. Kumalma naman sila't napabuntong-hininga.

"You are so incredibly unbelievably amazing!" turan ni Serene at mariin naman siyang tiningnan ng huli.

"Grabe ka, Sham! Hindi kami makapaniwala sa nakita namin, hindi ka lang pala malakas, sobrang galing mo rin sa pakikipaglaban!" dagdag pa ni Yvonne.

Hindi naman pinansin ng dalaga ang mga sinabi nila.

"Ah, pwede na ba akong mauna sa inyo? P-Pagod ako, mahaba kasi ang binyahe namin ni Miko-" hindi pa man din niya natatapos ang sinasabi ay agad na siyang napagitla nang maalala ang kanina'y kasa-kasama.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon