Chapter 4: The Royalties

27.8K 1.3K 147
                                    

SHAMIERE'S POV

Tila'y hindi naman sila makapaniwala sa sinabi ko.

What's with them? Matuto silang makuntento sa salita ko.

"H-How about your power? What's your power?" tanong pa ng katabi nito.

"I don't know." I said plainly that made their mouth in awe. Natatawa namang nagsalita ang guro na nasa tabi ko.

"That's enough questions. I think Ms. Shamiere here is just shy, besides we also need to respect her privacy." pagkatapos niyang sabihin 'yon ay ibinaling niya ang kaniyang paningin pabalik sa akin.

"Okay, Ms. Shamiere, you can take your sit now." saad nito kung kaya't bumalik na ako sa aking upuan at nagsimula naman agad siyang magklase.

Makaraan pa ng ilang oras ay tuluyan nang nagwakas ang aming klase sa umaga kung kaya't napagpasyahan namin na magtungo na sa silid-kainan.

Kasalukuyan na kaming naglalakad patungo sa cafeteria para kumain. Nang makapasok kami ay pinagtitinginan na naman kami ng mga estudyante. Sa totoo lang ay naiinis na ako, ayokong nakakaagaw ng atensyon. Kaya kagaya ng ginawa ko kanina'y hindi ko nalang sila pinapansin pa. Nagpresinta na si Yvonne na siya na ang kukuha ng kakainin namin, samantalang kami naman ni Bea ang naghanap ng mesa para sa aming tatlo.

Nang makahanap na kami ng pwesto ay agad na kaming naupo. Makalipas pa ang ilang minutong paghihintay ay dumating naman kaagad si Yvonne dala ang mga pagkain namin. Agad na kaming nagsimulang kumain.

Datapwat maya-maya pa ay bigla na lamang akong natigilan nang halos lahat ng mga kababaihan at maging ang mga kalalakihan sa loob ng bulwagan ay nagsimulang magsitilian at magsisigawan. Bahagya pa akong nagtaka nang maging ang dalawang mga kasama ko ay halos maputol na ang litid sa kanilang mga leeg sa sobrang impit na tiling kanilang pinipigilan.

Wala sa sariling naipukol ko naman ang aking mga mata patungo sa mga taong tinitingnan nila.

Papasok ang mga ito sa cafeteria, nasa siyam ang bilang nila. Apat na babae at limang lalaki. Nang dumaan sila sa pwesto namin ay napalingon sila sa aking gawi, bagamat hindi ko sila pinansin at bagkus ay tahimik akong bumalik sa aking kinakain.

Paglaon pa ng ilang sandali ay muli na silang nagpatuloy sa kanilang paglalakad hanggang sa makaupo na sila sa gitnang bahagi ng silid-kainan na ito. Pansin ko na naiiba ang kanilang pwesto kaysa sa iba. Kulay ginto ang mesa't upuan na kanilang kinauupuan at sa tingin ko ay gawa mismo sa tunay at purong ginto ang mga ito.

"Oh my God! Ang gaganda at gagwapo talaga nilang lahat! Kya! T-Tapos napalingon pa sila sa pwesto natin! Ang swerte natin, girl!" impit na sigaw ni Bea na may pahampas-hampas pa kay Yvonne. Ako naman ay pinagpatuloy nalang ang pagkain at hindi na lamang sila pinansin. Ngunit agad rin akong napahinto nang namalayan kong nakatingin na silang dalawa sa akin.

Tiningnan ko naman sila nang nagtatanong na tingin.

"Seriously? Hindi ka man lang ba magsasalita? Wala ka man lang ba sasabihin tungkol sa kanila? Hindi mo sila kilala, no?" sunod-sunod na tanong ni Bea na agad ko namang sinagot.

"Dapat ba silang kilalanin?" diretsong saad ko bagay na ikinasinghap nito.

Tatawa-tawa namang humarap sa akin si Yvonne at pagkuwa'y nagsalita.

"Kung gano'n ay hindi mo nga sila kilala?" pag-uusisa pa nito. Agad naman akong nagkibit-balikat sa iminungkahi niya.

"They're the Royalties!" halos magkapanabay na puna nilang dalawa.

So what if they're Royalties? I don't care and I don't need to care.

Ngunit kahit batid at napagtanyo nila na wala akong pakialam dahil makikita naman sa mukha kong walang ka inte-interes sa mga sinasabi nila'y patuloy pa rin sila sa kanilang mga sinasabi hinggil sa mga iyon.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon