Chapter 14: Her Other Power

20.8K 831 57
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nang makarating ang dalagang si Shamiere sa dormitoryo nila ay pabagsak niyang inihiga ang kaniyang sarili sa kama. Nais niya sanang matulog ngunit ilang minuto na ang nakakalipas at nag-aagaw na ang kamalayan niya't kaantukan ay bigla namang sumagi sa kaniyang isipan ang tatlong estudyanteng nakalaban niya tatlong araw na ang nakakaraan.

Kaya kahit walang gana ay napilitan siyang bumangon at magtungo sa silid-pagamutan upang ang mga ito ay puntahan.

Nang dumating siya doon gamit ang bukas na bintana ng bulwagan ay naabutan niyang nakahiga pa rin ang tatlo at puno ng mga sugat sa katawan bagay na lubos na niyang inaasahan.

Napagpasyahan niya nang gisingin ang mga ito kung kaya't tinuon niya ang kaniyang palad sa mga ito at may iniusal na kung anong salita, makalipas lamang ang ilang segundo ay unting-unti nang idinilat ng mga ito ang kanilang mga mata at agad na natuon ang paningin ng mga ito sa dalaga na labis nilang ikinagitla.

Ilant saglit pa ang nagdaan at nang tuluyan na itong magkamalay ay bigla na lamang napasigaw ang mga ito at pinapaalis siya.

Takot at kaba, 'yan ang makikita sa mga mata ng tatlo.

Ngunit sa halip na maawa ay tiningnan niya lang ang mga ito ng isang malamig na tingin.

Hindi nagtagal ay bigla nalang siyang nakarinig ng mga pamilyar na tinig na tumawag sa pangalan niya.

Nang lingunin niya ang pinagmulan nito ay nakita niya ang Royalties kasama sina Yvonne. Kagaya ng nakagawian ay isang malamig na tingin lang ang ipinukol niya sa mga ito't hindi kumibo.

Kahit na alam niya sa kaniyang sarili na sa kaniyang gagawin ay magsusumbong pa rin ang tatlong naka-away niya ay tinakot niya pa rin ang mga ito. Nang nagwala sila't nag-iyakan sa pananakot niya ay napagpasyahan niya nang lisanin ang klinika at iwanan ang kaniyang mga kaibigan.

Alam niya sa sarili niyang madaming katanungan na ngayon ay naglalaro sa isipan ng mga ito tungkol sa kaniyang pagkatao ngunit wala pa siyang balak na sabihin ang totoo sa kanila.

Hindi pa sa ngayon.

* * * * *

Iniwan na ng Royalties ang tatlong estudyanteng ngayon ay magaling na't nawala na ang lahat ng sugat sa katawan matapos malaman kung sino ang may kagagawan sa kanila niyon.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwala sa mga nalaman, kahit na alam na nilang nagsasabi ang mga ito ng katotohanan dahil sa ginamit ng binata ang abilidad nito na basahin ang kanilang mga isipan upang alamin kung nagsasabi ng totoo ang mga ito ay hindi pa rin sila makapaniwala. Sa isip nila, ano ang dahilan ng kanilang kaibigan kung bakit nagawa nitong saktan ang tatlong kalalakihan.

Sa lalim ng kanilang pag-iisip ay napagtanto nalang nila na kasalukuyan na nilang binabagtas ang daan patungo sa kanilang tambayan. Balak nilang pag-usapan ang kanilang napag-alaman bago ipagbigay-alam sa Headmaster ang mga ito at kung ano ang magiging pasya nito sa kung sino ang may kagagawan no'n.

"Guys, I still can't believe it. Shamiere can't do that, I mean, yes. Hindi pa natin siya lubusang kilala pero hindi siya masamang tao, she won't do such thing like that. Mabuti siyang tao kahit gano'n siya kung makitungo sa'tin at sa iba pa." giit ni Mitch habang nakaupo sa salumpuwit. Ang iba naman ay tahimik lamang sa tabi at nag-iisip-isip din tungkol dito.

"But, Mitch, we all know that those guys were saying the truth. Theo read their minds, remember?." sagot naman ni Van sa kaniya bagay na ikinanlumo nito.

"I know, Van. But I just can't believed it. Kung totoo nga ang sinasabi nila, I am pretty sure na may dahilan si Shamiere kung bakit niya nagawa ang bagay na 'yon. Kausapin na muna natin siya."

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon