Chapter 42: She Who Bow to No One

11.1K 534 47
                                    

SHAMIERE'S POV

Napaangat ang ulo ko dahil sa mga salitang binitawan ni Mitch.

"I-Is that true? That this is the reason kung bakit ayaw mong malaman namin ang totoong pagkatao mo?" wika naman ni Serene. Tiningnan ko sila isa-isa at agad din na napaiwas ng tingin.

"Shamiere, sumagot ka naman." dagdag pa ni Yvonne.

Nakatingin lang silang lahat sa akin at hinihintay akong magsalita.

Ngunit hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

"Shamiere, please tell us, tell me." napatingin ako kay Theo nang sabihin niya 'yon. Nagsusumamo ang kaniyang mga mata na malaman ang totoong katauhan ko.

"I-I'm sorry, I can't."

"Bakit hindi?!"

Nabigla ako sa ginawang pagsigaw ni Serene.

"Serene." mahinahong pag-awat sa kaniya ni Van.

"No! We deserve to know the truth, we're her friends!" tugon nito bago muling ibinalik sa 'kin ang kaniyang paningin.

"Don't you trust us, Sham?"

"P-Pinagkakatiwalaan ko kayo, pero-"

"Iyon naman pala, eh! Then tell us!"

"Hindi pwede."

Mas lalong nagsalubong ang dalawang kilay niya dahil sa sinabi ko.

"Why can't you?!"

"Dahil hindi pwede!" hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napataas na rin ang boses ko.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko at nang maramdamang kalmado na ako ay muli akong nagsalita.

"J-Just trust me, please, all I need for you guys is to trust me-"

"Here we go again!"

Namamanghang napabuntong-hininga si Serene bago ipinagpatuloy ang pagsasalita niya.

"You want us to trust you yet you don't trust us? That's stupidly unfair, Shamiere!"

"Serene enough!" pasigaw na sita sa kaniya ni Theo.

"No, Theo! This is not enough! Come on, Sham. We are your friends. We can accept who you are, just tell us the truth! What? Are you a mermaid?!"

"I'm not!" malakas na sigaw ko na siyang ikinatahimik nila.

Gulong-gulo ang mga mukha nila na wari ba'y labis silang naguguluhan.

Nagtagal pa ang katahimikang 'yon ng ilang segundo bago tuluyang nagwakas.

"A-Ano?" utal na usal ni Mitch.

"H-Hindi. . . hindi ako sirena." mahinang pag-uulit ko.

"Then what are you?" naguguluhang sambit ni Megan.

Naipikit ko naman ang mga mata ko at nakikiusap silang tinitigan.

"H-Hindi ko talaga pwedeng sabihin sa inyo, hindi pa sa ngayon. S-Sana ay maintindihan niyo."

"Paano namin maiintindihan kung sa bawat oras ay magugulat nalang kami sa mga nangyayari sa 'yo? Kaya mong kontrolin ang dalawang elemento, kaya mong lumutang sa ere, kaya mong ibalik ang ginawang atake sa 'yo, kaya mong magteleport, kaya mong magcast ng spells na tanging mga witches lang ang may kakayahan, kaya mong balewalain ang mga abilidad namin laban sa 'yo at ngayon, kaya mong maging isang sirena? Now tell us, Sham, how can we understand you?"

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon