Chapter 5: Friends

27.6K 1.2K 173
                                    

THEO'S POV

Nasa tambayan kaming magkakaibigan ngayon. May sarili kaming tambayan dito sa loob mismo ng akademiya. Matatagpuan ito sa likurang bahagi ng paaralan. Isa itong bahay na medyo may kalakihan, ako mismo ang nagpatayo nito para sa aming siyam.

Nag-uusap lang sila habang ako naman ay nagbabasa lang ng libro.

"Guys, nakita niyo na ba ang bagong transferee? Dinig ko maganda raw. Kalat na nga sa halos buong academy. Parang gusto ko tuloy siyang makita't makilala. Kasi kung may transferee parang wala lang, pero ngayon iba eh. Pinag-uusapan siya sa taglay niyang kagandahan. I want to be friends with her." dinig kong masayang sambit ni Kianah.

Naagaw nito ang aking pansin kung kaya't palihim akong nakinig sa kanilang pag-uusap.

"Sinabi mo pa Kianah, kahapon ko pa nga siya hinahanap. Gustong-gusto ko na siyang makita at makilala. Kaso sa lawak ba naman ng academy, hanggang nayon ay 'di ko pa rin siya nakikita." nakabusangot naman na saad ni Gino.

Naalala ko, kahapon niya pa ito hinahanap at kung saan-saan na siya napadpad para lang hanapin ang babaeng iyon.

I admit it, ang ganda niya. Gusto ko rin siyang makita ulit. Ewan ko ba, wala naman akong pakialam sa iba pero iba siya, ngayon ay naagaw na niya nang tuluyan ang pansin ko.

"Gano'n ba? Then why don't we just ask headmaster instead, para malaman natin kung saang section niya inilagay ang transferee, para kahit papaano ay alam natin kung saan siya makikita." suhestiyon naman ni Mitch.

"Hindi Mitch, mas maganda kung tayo mismo ang makahanap sa kaniya na walang tulong ni tanda. It'll be more exciting. Isa pa, I want to meet her as well. You know, baka magustuhan ko rin." nakangiting anas ni Eros. Umaandar na naman ang pagiging babaero.

"Traydor ka, Eros!" mahaba ang ngusong sumbat sa kaniya ni Gino na agad niya lang sinagot nang mahinang pagtawa.

"Pero bago 'yon, pwede bang kumain na muna tayo sa cafeteria? I'm hungry." dagdag pa nito.

"I agree. I'm also hungry." sang-ayon ni Serene.

"Me too." sabat naman ni Van.

"Also me." dugtong pa ni Lash

"Tara na,  gutom na rin ako." mahinang dagdag ni Megan.

Dahil doon ay napagdesisyunan na ng lahat na magtungo sa cafeteria.

Tumayo na sila at akmang aalis na nang bigla silang matigilan at dahan-dahan ibinaling sa akin ang kanilang mga paningin.

"How about you, Theo? Hindi ka ba sasama sa amin?" ani Mitch.

I just shook my head as a response without glancing her, still reading the book that I am holding.

"Okay, if that's the case then, aalis na kami."

Nasa may bandang pintuan na sila at palabas na nang marinig ko ang muling pagsalita ni Gino.

"Tara, bilis! Baka nando'n siya, breaktime na ngayon eh. Gustong-gusto ko na siyang makita!"

Agad naman akong napabuntong-hininga't mariing napapikit bago ginawa ang isang bagay na hindi ko inaasahang gagawin ko.

"Wait."

Agad silang napalingon sa 'kin nang tawagin ko sila.

"I'll come." I said as I walked towards them.

"May nagpabago yata sa desisyon mo, dre. I wonder what is it." mapang-usisang puna ni Gino habang nanliliit ang mga matang nakatingin sa 'kin.

"Shut up!" asar na sambit ko at nauna nang maglakad sa kanila.

*****

Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa cafeteria. Sa tuwing may madadaanan kaming mga estudyante ay may tumitili at ang iba ay sumisigaw pa.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon