Chapter 37: The Bad Fortune

13.4K 543 65
                                    

SHAMIERE'S POV

"Hindi ba masyadong mabilis?" seryosong tanong ni Van.

"I mean, bakit nililigawan ka na niya agad? And I thought you like Miko, n-not him." baling niya kay Theo.

"Yan kasi, dre, fake news 'yong mga nalalaman mo! Hahaha!" tukso pa ni Eros.

"Tss! Shut up!"

Sinabi na namin sa kanila ang nangyari sa pagitan namin ni Theo. Lahat sila ay natuwa at masaya, maliban nalang kay Van na hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ang naging desisyon ko.

"Cut it out Van, let's just be happy for the both of them." wika ni Serene.

"Fine, whatever."

"Yieeee! Pero grabe kinikilig talaga ako sa inyong dalawa!" masayang sigaw pa ni Bea habang nakatingin sa 'min ni Theo.

"Oo nga, Sham! Masaya kami para sa inyo." dagdag pa ni Yvonne.

"Hindi mo man lang sinasabi sa 'min na may gusto ka pala kay Theo. Sus!" nagtatampo kunwaring sambit ni Mitch pero kalaunan ay nangiti rin.

"Biro lang! Masaya ako para sa inyo."

Nahihiyang napangiti naman ako sa kanilang lahat, ramdam ko ang dagliang pamumula ng pisngi ko.

Narinig ko naman ang marahang pagtawa ni Theo kung kaya't nilingon ko siya at do'n ko nakita ang ngiting-ngiti niyang mukha.

"I know that we're good together, you guys don't need to tell that to us." mayabang pang saad nito na tila nagmamalaki. Natawa naman sila dahil sa narinig.

"Kung makapagsalita ka dre parang kayo na, ah? Eh, nililigawan mo pa lang naman si Shamiere!" nakabusangot na saad ni Gino.

Muli na naman silang nagtawanan at si Theo naman ang sumimangot.

"And so what?"

"Hahaha! Kalma dre, honest lang!"

"Tss."

Nag-usap pa kami ng ilang oras at nang sumapit na ang dilim ay umuwi na kami nina Bea. Inihatid pa kami ni Theo pero agad ko na rin siyang pinabalik sa dormitoryo

* * * * *

K

inabukasan ay paglabas na paglabas namin ng dormitoryo ay bumungad sa 'min si Theo na abot tenga ang ngiti.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya nang makalapit kami sa kinatatayuan niya.

"Good morning! I'm just excited to see you." sagot niya na nagpangiti sa 'kin. Agad naman kaming tinukso ng dalawa kaya tinawanan nalang namin sila.

Nagtungo na kami sa tambayan dahil wala naman ng pasok ngayon. Pagkarating namin do'n ay nando'n na silang lahat at masayang nagkwekwentuhan.

"Aba, kaya naman pala wala ka rito, dre, eh. Sinundo mo pala ang nililigawan mo! Hahaha!" bungad ni Eros sa 'min.

"Kaya nga, eh, ang aga-aga ang sweet sweet nilang dalawa. Nakakainggit!" nakanguso pang saad ni Bea.

"Wag ka nang mainggit, nandito naman ako, eh." nanunuksong tugon ni Eros sa kaniya sabay kindat. Agad naman silang tinukso ng lahat dahilan upang mabilis na mamula ang huli.

Natatawa nalang akong pinagmasdan sila.




MITCH'S POV

Habang nagtatawanan kaming lahat ay napatingin ako kay Shamiere na masayang nakatingin din sa iba pa naming mga kaibigan.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon