Chapter 30: Face Swap

12.6K 674 53
                                    

SHAMIERE'S POV

"Dahil wala akong mukha. . . at iyon ang dahilan kung bakit nandito ka."

Natigilan ako sa isinagot niya at nakita ko rin ang pagkunot ng noo ng mga kasamahan ko.

"T-Teka teka nga. Ano ang ibig mong sabihin? Wala kang mukha pero may labi ka? At paano mo kami nakikita? It doesn't make sense!" sabat ni Gino sa usapan at tiningnan nang mariin si Lorna.

Kumurba ang isang ngisi sa mga labi nito.

"Papayag akong tulungan kayo, ngunit may kaukulang kapalit." hindi niya pinansin ang tanong ni Gino tsaka siya tumingin sa gawi ko.

"Kailangan mong ibigay sa 'kin ang mukha mo." nakangising dagdag niya pa at mas lumapit pa ng husto sa 'kin.
Pinasadahan ng kamay niya ang pisngi ko papunta sa panga ko. Agad ko 'yong iwinakli dahilan para tatawa-tawa siyang tinitigan ako.

"Hindi pangkaraniwan ang taglay mong kagandahan, kung kaya't mukha mo ang hihingin ko bilang kapalit sa ibibigay kong tulong para sa akademiya ninyo."

Now I know why headmaster wanted me to come to this mission. And the answer to why she was called Lorna, the wicked white witch. It's because she helps, but with an exchange.

She really is a wicked white witch.

"Hindi, hindi kami papayag sa gusto mo!" biglang anas ni Mitch. Napadako naman sa kaniya ang tingin ni Lorna at pagkuwa'y tumawa.

"Hindi ko naman kayo pinipilit, pwedeng-pwede kayong tumanggi. Pero pag-isipan niyo ring mabuti, dahil hangga't hindi kayo nakakabalik sa paaralan ninyo nang hindi ako kasama ay mananatiling nasa kapahamakan ang buhay ng lahat ng mga estudyanteng naroroon." mapaglarong sambit niya.

"What will happen if she gave her face to you? What will happen to her?" napadako ang tingin ko kay Van nang tanungin niya ito. Humarap naman sa kaniya si Lorna at muling ngumisi.

"Siya. . . ang mawawalan ng mukha."

Natigilan ang mga kaibigan ko. Subalit hindi ako nagpatinag sa mga isinatinig niya at sa halip ay blangko ang emosyon ko siyang tinitigan.

"K-Kaya ba siya ipinasama ni Headmaster? Dahil alam niya na ito ang kapalit ng tulong ni Lorna?" wala sa sariling usal ni Mitch habang nakatingin sa kawalan. Wala namang pumansin sa kaniya at nakatutok lang kay Lorna ang mga atensyon.

"W-Wala na bang ibang paraan?" nagbabakasaling saad pa ni Eros.

Nilagay naman ni Lorna ang hintuturo sa sintido niya na animo ba'y nag-iisip.

"Ah, sa totoo lang ay mayro'n." tila nabuhayan naman ng loob ang mga ito sa sinabi ni Lorna.

"Talaga? Ano 'yon?"

Subalit agad na nawala ang tuwa sa kanilang mga mukha sa sunod nitong isinalaysay.

"Buhay, buhay ang maaaring ipalit." nakangisi pa ring usal nito dahilan nang dagliang pagdilim ng mukha ng mga kalalakihan.

"Pinagloloko mo ba kami?!" sigaw ni Eros ngunit tanging paghalakhak lang ang itinugon sa kaniya ni Lorna.

"I'll do it." mula sa kawalan ay sambit ko dahilan upang dahan-dahang maibaling ng lahat sa 'kin ang gulat at hindi makapaniwala nilang mga paningin.

"Are you out of your mind, Sham?!" pagproprotesta ni Serene.

"No! I won't let you!" sabat naman ni Van.

"Ano ba'ng sinasabi mo, Sham?" dugtong pa ni Mitch.

"No, you're not gonna do it. And that's final!" malakas na tonong anas naman ni Theo.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon