Chapter 3: First Day

30.1K 1.1K 108
                                    

SHAMIERE'S POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang maghanda para pumasok. Tapos na akong maligo at pagkalabas ko ng banyo ay nagtungo ako sa gabineta at agad na binuksan ito.

Tumambad sa akin ang uniporme ng paaralang ito.

White polo with golden linings, black necktie, short black skirt and long white socks with a pair of black shoes.

Hindi na ako nag-alinlangan pa at agad na itong kinuha at isinuot ang mga ito. After a moment, I took a glance of myself in the mirror and when I'm satisfied with my look, I grabbed my bag and take my class schedule as I've decided to get out of my room.

Subalit bago pa man ako lumabas ng pintuan ay saglit akong tumigil upang tingnan ang papel na hawak ko. I looked at my class schedule and I saw that history will be my first subject. Patuloy lang ako sa pagtingin nito nang biglang may kumatok sa pintuan ng silid ko. Binuksan ko ito at mukha ni Yvonne ang bumungad sa akin.

"Good morning, Shamiere! Breakfast is ready, come and join us bago pa tayo ma-late." nakangiti niyang anyaya sa 'kin. Tinanguan ko lang siya at sumunod na sa kaniya.

Nang nasa hapag-kainan na kami at nakaupo na ay tinanong ako ni Bea tungkol sa class schedule ko kaya sa halip na sagutin pa ang tanong niya ay iniabot ko na lamang sa kaniya ang papel na hawak-hawak ko.

"Oh, my! Classmates tayo sa lahat ng subject Sham! Tayong tatlo ni Yvonne!" tuwang-tuwa na wika niya, maging si Yvonne ay sayang-saya dahil sa narinig. I just shrugged my shoulder at them at nag-umpisa nang kumain. Gano'n na rin ang ginawa nila. After a few minutes, tapos na kaming kumain at agad nang napagdesisyunang lisanin ang aming dormitoryo.

*****

Kasalukuyan kaming naglalakad sa pasilyo ng paaran at pinagigitnaan ako ng dalawa. At habang binabagtas ang mahabang daan ay napansin kong pinagtitinginan kami ng halos lahat ng mga estudyante na aming nadadaanan, o mas tamang sabihing ako.

What's wrong with this people?

Binalewala ko nalang ang mga tinging ipinupukol nila sa akin at ipinagpatuloy nalang ang aking paglalakad.

Ilang saglit pa'y narating na namin ang magiging silid-paaralan namin. Sa taas ng pinto ay nakaukit ang mga salitang,

'Silver Section'

Binuksan na ni Bea ang pintuan, una siyang pumasok at kasunod niya ay si Yvonne. Ilang sandali pa ay agad naman akong sumunod, at nang sandaling pagtapak ko ng aking mga paa sa loob ng silid na iyon ay agad na napatingin ang lahat ng mga estudyante sa aking direksiyon at sabay-sabay na natigilan.

Ang mga lalaki ay agad na napaawang ang mga labi habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa aking gawi, samantalang ang mga babae nama'y kung hindi nakanganga ay nakataas ang mga kilay habang magkakrus ang mga braso at nakatitig sa akin nang mataray. Kaya wala akong ibang ginawa kung hindi ang tingnan sila nang walang emosyong makikita sa aking mga mata.

Masyado na silang sobra. Batid ko naman na may taglay akong karilagan subalit hindi ko inaakalang ganito kalala ang mga magiging reaksyon ng mga estudyante rito sa akademiya.

Napahagikgik lang ang dalawa
kong kasama dahil sa nasaksihan. Nagtungo na sila sa likurang bahagi ng silid at doon umupo, sinenyasan naman ako ni Bea na umupo sa bakanteng upuan sa tabi nila na agad ko namang tinanguan.

Habang naglalakad ako patungo sa kanila ay panay naman ang sunod nang tingin ng mga tao sa akin. But still, I remained my emotionless face.

Ilang segundo pa'y nakaupo na ako sa tabi ni Bea, ilang minuto pa ang lumipas ay may mga kalalakihan ang nagsipuntahan sa harapan ko. Lima silang lahat. Pinangungunahan ito ng isang matangkad, maputi at may itim na buhok na lalaki. Nakangiti itong nakatingin sa akin.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon