SHAMIERE'S POV
"Magbigay pugay sa mahal na Haring Linus at Reyna Selestina!" sigaw ng isang kawal kung saan naka pwesto malapit sa trono ng mga magulang ni Serene.
Sabay-sabay na nagsiyukuan ang mga kasamahan ko maliban na lamang sa akin. Kagaya ng nangyari sa kaharian nina Theo ay muling nagtinginan sa akin ang mga kaibigan ko maging ang hari at reyna na tila ay sinasabing magbigay galang ako.
"Sham." sinenyasan ako ni Serene ngunit tiningnan ko lang siya at hindi sinagot.
Nakita ko namang sumenyas ang reyna na pinapatayo na sila kaya agad nila itong sinunod. Hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa akin ang paningin niya pati na ng hari ngunit parehong naagaw ang pansin nila nang tawagin silang parehas ni Serene.
"Mother, Father, it is great to see you the both of you again. I missed you." ani Serene. Lumapit naman ang mga magulang niya sa kaniya at ginawaran siya ng halik sa noo nito.
"We missed you, too, honey. But what brought you here together with your. . . friends?" nang sabihin niya ang mga salitang 'yon ay tinapunan niya 'ko ng tingin.
"Mother, we have a mission. Kaya hindi na kami magtatagal pa."
"What? What mission, honey?"
"Saka ko na lang po sasabihin, we're in a hurry."
"Okay, just make sure you'll be safe, all of you, okay?"
"Yes Mother,"
"Father?"
"Just take care of yourself, sweetie. All of you." saad ng hari at tiningnan kaming lahat, hindi nagtagal ay napatigil ito sa akin nang muling mapadako sa 'kin ang paningin niya.
"Your friend?" tanong niya kay Serene habang nasa akin ang paningin.
"Yes, her name is Shamiere. I apologize, Father, but we really have to go now."
"Okay sweetie, take care." muling wika nito at nagyakapan silang tatlo sa harap namin. Nakita ko pang sinulyapan ako ng reyna at nang matapos ay inilihis ito kay Dawn.
"We will." sambit ni Serene at muli naman silang nagsiyukuan tanda ng pagbigay respeto sa hari't reyna.
Nakita ko pa ang matalim na titig sa 'kin ng kawal nila pero hindi ko nalang iyon pinansin pa. Masyado akong abala sa mga naiisip ko ngayon. Lalo na ang tungkol sa taong may dahilan kung bakit kami nasa misyong ito.
John Wintson.
Nakatalikod na kami at hahakbang na paalis nang biglang magsalita ulit ang reyna.
"Wait!"
Unti-unti akong lumingon paharap sa kanila at gano'n din ang ginawa ng iba pa.
Nakita kong mariing nakatitig sa 'kin ang reyna at tila'y sinusuri ang katauhan ko.
"What's your name again? And where are you from?" blangkong tingin lang ang ipinukol ko sa kaniya bago nagsalita.
"I'm Shamiere, and I came from. . . nowhere."
Unti-unting bumalatay sa kanilang mukha ang matinding pagtataka't pagsasapantaha dahil sa mga binitawan kong salita.
"Pardon?"
"I'm Shamiere, and I came-"
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang biglang sumingit si Theo.
"I really am so sorry, your majesty, but we are really in a hurry. With all due respect, we need to go." hindi na hinintay pa ni Theo ang sagot ng hari at reyna at basta na lang ako hinawakan sa kamay at hinila paalis ng bulwagang iyon.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...