Chapter 25: The Lost City of Eronda

15.2K 642 150
                                    

SHAMIERE'S POV

Nakasakay kami ngayon ni Miko sa isang karwahe papunta sa kung saan. Hindi niya sinabi sa akin ang paroroonan namin para raw masorpresa ako.

Mga ilang oras lang din ang aming binyahe at agad kaming nakarating sa isang walang katao-taong bayan na tila ba'y abandonado na't napaglipasan na ng panahon.

Bumaba kami mula sa karwahe at agad naman itong umalis.

"Miko? Anong lugar 'to?" nagtatakang tanong ko habang inililibot ko ang paningin sa lawak ng paligid.

"Sham, welcome to The lost city of Eronda." masigasig at abot taingang sagot niya sa 'kin.

Namamangha ko namang pinagmasdan ang buong kapaligiran.

"Pero hindi ito ang gusto kong ipakita sa 'yo, maglalakad pa tayo ng ilang minuto dahil hindi na pwedeng makadaan pa ang karwahe patungo ro"n." mahabang dugtong pa niya sa 'kin kaya tumango nalang ako at ngumiti rin.

"Then, lead the way!" masigasig ko tugon.

Nauuna siyang maglakad habang ako naman ay nakasunod lang sa likuran niya. Dumaan kami sa masikot at masukal na kagubatan hanggang sa ilang saglit lang ay makalabas kami sa gubat na 'yon.

At mula sa labasan ng kagubatan ay bumungad sa aming mga mata ang isang burol mula sa hindi kalayuan. Sa burol na iyon ay may nakatirik na isang malaking puno.

Mabilis kaming nakarating do'n at agad akong napangiti dulot ng preskong hanging humahampas sa amin, isama na rin ang napakagandang tanawin. Umupo ako sa damuhan at isinandal ang likod sa puno, pumikit ako't nilalanghap ang napakasariwang hangin.

This is relaxing.

"Shamiere! Come here." napamulat ako nang marinig kong tawagin ako ni Miko habang nakadungaw sa ilalim nitong burol kung saan kami naroroon.

"Saglit lang, ang sarap magpahinga rito, hindi ka ba napagod sa binyahe natin?" sagot ko at muling ipinikit ang mga mata, pero hindi pa man nakakadaan ang ilang segundo ay napamulat na naman ako nang may humila sa kaliwang braso ko at sapilitan akong itinayo.

"Halika na kasi, may ipapakita ako sa 'yo. I'm sure, you'll love this." nakangiting turan niya at napasiring naman ako ng tingin.

"Whatever."

Nang dumungaw kami sa ibaba ay gano'n nalang ang agarang pag-awang ng labi ko sa nakita.

Nanlalaki ang mga matang tumingin ako kay Miko at muling ibinalik sa tanawin na nasa harapan ko.

Isang napakalawak na taniman ng mga bulaklak.

Iba't iba ang kulay nila at nakakamarahuyong tingnan. Sumasayaw ang mga ito sa ihip ng hangin at sadyang nakakaaya't kaakit-akit kung pagmamasdan.

"Diba? Sabi ko sa 'yo, eh. Worth it ang pagpunta natin dito." sambit pa niya.

Nanatili lamang nando'n ang aking paningin.

"I don't know what to say." manghang usal ko.

"Speechless? Hahaha! Ayos lang 'yan, nakakamangha naman talaga ang ganiyang tanawin, eh. Dito lang 'yan makikita at dahil tago ito't abandonado na ang bayang 'to ay wala ng masyadong nakakaalam tungkol sa lugar na 'to." mahabang paliwanag niya, sa pagkakataong 'to ay tumingin na 'ko sa kaniya.

"This place is paradise, Miko."

"Indeed it is."

"Pwede ba nating puntahan 'yan?" umaasang tanong ko bago muling tingnan ang napakahabang hardin ng bulaklak.

"Sure, why not? Tara!" inalalayan niya ako paibaba sa hindi gaanong kataasang burol. Tuwang-tuwa naman akong tumakbo patungo sa mga nagsasayawang bulaklak na naroroon.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon