Chapter 64: Stolen

8.5K 383 121
                                    

Theo's POV

"M-Monster! Monster!" Nabalik kami sa wisyo ng sumigaw ng sumigaw si Amanda habang nakaturo kay Dawn.Nang muli kong ibaling ang paningin ko kay Dawn ay panay iling lang ang ginagawa niya habang nakatingin sa magkabila niyang kamay na nanginginig.

"H-Hindi,hindi a-ako halimaw.Hindi ako kaaway,maniwala kayo." Sambit niya at akmang lalapit sa direksyon nina Amanda pero napatigil siya ng muling sumigaw si Amanda.

"Stop right there! I was right! You're an enemy!"

"Hindi totoo yan! Maniwala kayo sa akin! G-Galing ako sa Shadow Kingdom kaya g-ganito ang mahika ko." Pagpapaliwanag niya.Nangunot naman ang noo ko at humakbang palapit sa kaniya dahilan para matigil ang bulungan sa paligid namin.

"But what you possessed is the cursed magic. Only Zokusians can produce Black fire and Black smoke." Saad ko.

"Pero si Shamiere,k-kaya din niyang magpalabas ng itim na apoy pero hindi naman siya kalaban diba?" Sagot niya at sa pagkakataong ito kami naman ang natigilan.

Akmang sasabat na si Amanda nang makarinig kami ng isang pamilya na tinig.

"What's happening here?" Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at bumungad sa harapan namin ang seryosong mukha ni Headmaster Jiro.

"Headmaster! That girl is a Zokusian! She almost killed me! Good thing that it disappeared quickly or else..I'll be dead!" Singit ni Amanda.

"H-Hindi po totoo yan,nadala lang po ako ng emosyon ko." Pagtatanggol ni Dawn sa sarili niya.Agad nang pumunta sa harap nila si Headmaster para awatin sila.

"That's enough! Ms. Devons,in my office.Now! Royalties,sumunod kayo." Aniya at mabilis na tumalikod.Nagkatinginan pa sina Amanda at Dawn bago sumunod ang huli kay Headmaster.Maging kami ay nagpasyang sundan na din sila sa pangunguna ko.Samantalang sina Bea at Yvonne naman ay nagpaiwan nalang sa field at babalikan nalang raw nila si Shamiere.

Nang makarating sa clinic ay naabutan na naming kinakausap ni Headmaster si Dawn.

"What are they talking about Ms.Devons? I'm giving you a chance to explain yourself." Headmaster spoke while sitting to his chair.Infront him is Dawn who's also sitting. While us,standing next to Dawn.

"S-Sinaktan po kasi ako ni A-Amanda,h-hindi ko naman po sinasadyang mapalabas ang mahika ko..n-nadala lang po ako ng emosyon ko Headmaster."

"Hmmm, then why do you possessed the cursed magic?"

"N-Nagmula po ako sa kaharian ni-nila,k-kaya yun po ang kapangyarihan ko.H-Hindi ko na po ginagamit o pinapalabas ang kapangyarihan ko,sadyang nadala lang po talaga ako k-kanina Headmaster.Mula pagkabata po ay g-ganito na talaga ang aking mahika." Dagdag na paliwanag pa niya.

Hindi ko alam at hindi ko maipaliwanag kung anong pakiramdam ang biglaan kong naramdaman at biglang gusto ko ng paniwalaan ang mga sinasabi niya.Naniniwala nakong nagsasabi siya ng totoo.

Nakita ko rin ang pag-aliwalas ng mukha ni Headmaster pagkuwa'y biglang tumango-tango.

"Naniniwala ako sayo,Ms.Devons."

***

Matapos kausapin ni Headmaster si Dawn ay pinaalis na niya kaagad ito samantalang kami ay pinaiwan niya para tanungin ang pag-iimbestiga tungkol sa misyong ibinigay niya sa amin kamakailan lamang.

Ang alamin kung sino ang traydor sa loob ng Akademiya.

Pero wala kaming naibalitang maganda sa kaniya,dahil hindi pa rin namin matukoy kung sino ang espiya ng mga kalaban dito sa loob.Wala akong pinagdududahang estudyante,maging sa mga Professors ay wala din.Hula ko ay napakalakas at makapangyarihang kalaban ang traydor dito sa loob ng akademiya.

Nang makalabas kami ng opisina ni Headmaster ay tila lutang akong naglalakad sa pasilyo kasama ang ibang mga kaibigan ko.

Pagod at matinding kaba ang nararamdaman ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.Hindi ko alam kung ano,pero parang may hindi magandang nangyayari sa paligid ko.

"Dre,ayos ka lang?" Tumigil ako sa paglalakad at napatingin kay Gino nang tanungin niya ko.

"Yes,I am." Maikling sagot ko sa kaniya.

"Parang hindi kasi eh,may bumabagabag ba sayo?" Natigil na rin sa paglalakad ang iba at napatingin sa akin.

"Nothing, i'm just tired.That's all."

"Are you sure Theo? It looks like there's something else." Sabat ni Serene.

"I said i'm fine,don't worry about me."

"Mukha kasing malalim ang iniisip mo Theo." Singit pa ni Mitch kaya napabuntong-hininga nalang ako sa kawalan bago sumagot sa kanila.

"It's just that, somethings bothering me.I don't know why but it feels like-i feel...n-nervous for something."

Nagkatinginan silang lahat bago sabay-sabay na muling tumingin sakin at magsalita.

"HA?"

"Aish! Just- just don't mind what i've said." Sambit ko at nagpaumuna ng maglakad sa kanila.

Hindi pa man ako nakakalayo ay rinig ko na agad ang pagtakbuhan nila papunta sa akin at tumigil sa harapan ko.

"It's about that weird feeling...right?"

Naibaling ko kay Van ang mga mata ko sa inusal niya.Seryoso ang mukha niya at seryosong nakititig sa akin ang malamlam niyang mga mata.

"What do you mean?" Tanong ko at naglakad papalapit sa kaniya.

"That weird feeling i also felt inside the Headmaster's office."

"Wait,you felt that too?" Serene.

"Hala ako din!" Sabat ni Kianah.

"Maging ako ay naramdaman din yun." Megan.

Tiningnan ko sila isa-isa.

So i'm not the only one who felt that.But there's something wrong,because aside from that...there's a feeling of nervousness inside me.Like there's something big coming.




MITCH'S POV

Nagtungo na kami sa dorm namin samantalang si Theo ay dumiretso sa clinic para puntahan si Sham.Nagprisenta kaming samahan siya pero ang sabi niya ay magpahinga nalang raw kami at siya na ang bahala kay Sham.Hindi na rin kami umangal dahil sa pagod na nararamdaman dala ng pakikipag-away namin kanina.

Agad nakong nagpaalam sa mga kasamahan ko at nagtungo sa sarili kong silid at pabagsak na naupo sa kama.

Nagpasya akong maghugas muna ng katawan bago magpahinga kaya tumayo ako at naglakad papunta sa banyo.Ilang minuto din ang ginugol ko sa pagligo at nang matapos ay agad nakong nagbihis at nag-ayos para umidlip kahit sandali.

Nang makahiga nako ay pilit kong pinipikit ng mariin ang mga mata ko para makatulog pero kahit anong gawin ko ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.Muli akong naupo at inis na inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto ko.Natigil lang ito nang dumapo ito sa bagay na nakapatong sa ibabaw ng maliit na mesa ko.

Tumayo ako at dahan dahan na naglakad papunta sa kinaroroonan ng bagay na iyon.

Kinuha ko iyon sa mesa at pinasadahan ng tingin ang kabuuan nito.

Pasensya kana Sham,kailangan ko lang talagang malaman kung ano ang lihim ng bagay na ito.Kung ano ang tinatago mo sa amin na alam kong may kinalaman sa bagay na ito.

Ano ba talaga ang meron dito at parang importanteng-importante sa mga kalaban maging sayo?Ano ba ang nakapaloob dito at parang mas mahalaga pa ito sa kahit na ano?




Ano ba talaga ang sikreto ng librong ito?

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon