Chapter 88: Disaster Part III

11.1K 355 45
                                    

THIRD PERSON'S POV

ANG lahat ay nagulat sa kumawalang enerhiya mula sa katawan ng dalaga.Gayunpaman ay hindi sila nag-aksaya ng panahon at muling bumalik sa pakikipag-away.

"SERENE!!!" Buong lakas na sigaw ni Eros.Bumangon siya at sinubukang ihakbang ang kaniyang mga paa subalit nahihirapan siyang gawin ito dahil sa patuloy na pagpapalabas ng tubig ng dalaga.Basang-basa na ang kaniyang kauotan,halos lumubog na rin sa putik ang kaniyang kinatatayuan na kagagawan ni Serene.

"Serene! Makinig ka! Hindi ito ang paraan! Madadamay mo ang mga Terrenians!"

Hindi pa rin tumitigil ang dalaga,parang wala lang itong naririnig.Ang tanging gusto niya lang gawin ay ang ipaghiganti si Gino- na ngayon ay nababalutan ng pananggang gawa din sa tubig upang hindi madamay sa ginagawa niya.

Inangat niya ang dalawa niyang kamay sa ere at kitang-kita ni Eros ang pagliwanag ng kaniyang asul na mga mata.

"H-Hindi..."

Napaatras ang binata hanggang sa matisod siya at mapaupo sa putikan.Tulala siyang nakatingin kay Serene na ngayon ay naghuhurumindado na sa bagsik dulot ng matinding galit at hinagpis na nararamdaman.

Napatigil naman ang iba nang makaramdam sila ng mali.Sa isipan nila ay tila may paparating na kung anong sakuna.Maging ang dalagang si Shamiere ay natigil din sa pag-atake sa mga kalaban.

***

MULA naman sa kalayuan ng Akademiya ay paparating na ang napakatayog at napakabagsik na alon ng tubig na siyang nagpawasak sa Water Kingdom.Maging ang ibang kaharian ay hindi nakaligtas mula sa hagupit ng napakalaking alon mula sa karagatan.

Samantala,nakaawang ang labing nakatingin pa rin si Eros kay Serene.Hindi na nito alintana ang mga ginagawa ng iba.Gusto niyang murahin ang kaniyang sarili,alam na niyang may hinding magandang mangyayari ngunit ito siya't nakaupo at nakatunganga lang sa kaibigang tatapos sa buhay ng mga kalaban-pati na rin ng mga buhay nila.

SHAMIERE'S POV

"SHAM!" Napalingon ako sa boses ni Mitch.

"Naramdaman mo yun?" Batid ko ang malakas na enerhiya ang tinutukoy niya.Tumango ako sa kaniya bago nagsalita.

"Hindi ko alam kung saan yun nanggaling."

Hindi na siya sumagot pa.Ilang saglit pa ay bigla siyang pumikit at agad ring nagmulat.

"May binubulong sa akin ang hangin,may paparating.Maghanda kayo!" Wika nito na halata na sa mukha ang pagkabahala.

Kahit hindi man niya sabihin,alam ko.Alam ko dahil nararamdaman ko rin ito.

"Si Serene,nasaan siya?" Tanong ko sa kaniya pero base sa mukha niya ay hindi niya rin alam kung nasaan ang iba.May kutob akong kay Serene nagmula ang naramdaman naming enerhiya.Inilibot ko ang paningin upang hanapin siya ngunit hindi ko siya makita.Nasa parteng field na kami,maaaring nandun pa rin sila sa likod ng GrandHall.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.Mabilis akong kumilos upang kunin ang atensyon ng mga kasamahan ko.

"HUMANDA KAYO!" Sigaw ko ng pagkalakas-lakas.

"Arghhh!" Isang Zokusian ang matulin na tumakbo patungo sa direksyon ko ngunit sa isang kisap-mata lang ay agaran na itong naging abo.Hinanap ko ang pinanggalingan ng apoy na iyon at dumapo ang paningin ko sa lalaking kanina ko pa hinahanap.

"Theo..." Usal ko.Agad siyang naglakad papalapit sa akin,nang tingnan ko ang mga mata niya ay wala akong makitang ni isang emosyon.Sa sandaling iyon,alam kong may kung anong bumabagabag sa isipan niya.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon