Chapter 55: Sea Monsters

8.7K 475 19
                                    

Mitch's POV

Napapikit nalang ako ng biglang humampas sa amin ang napakalaking alon.Naramdaman ko ang pagdampi ng malamig na tubig sa katawan ko at ang biglaang pagsakop nito sa kabuuan ko.

Ngunit naimulat ko ang dalawa kong mata nang may maramdaman akong humawak sa kamay ko.Nang tingnan ko ito ay hindi ko pa maaninag kung sino dahil sa tubig na namutawi sa amin,ngunit nang aninagin ko itong mabuti ay nasilayan ko si Theo. Kinampay niya ang kaniyang kabilang kamay para hindi kami tuluyang mapailalim.Halata na sa mukha niya ang labis na pag-aalala para sa iba naming mga kasama.

Nagsimula na rin akong lumangoy paibabaw.Nang makaahon kami ay napaubo pa ako ng tubig.

"W-Where are the others?" Tanong niya.

"Hindi ko alam.Bigla nalang tayong nagkahiwalay nang humampas ang alon kaya-"

"Dito!" Agad kaming napalingon ni Theo sa sigaw na yun.Dun namin nakita si Gino na kakaahon lang din.Lumangoy siya papunta sa amin.

"Nasaan sila? Sina Shamiere? Si Dawn?" Sunod-sunod kong tanong ngunit isang iling lang ang sinagot niya sakin.Hindi pa man din kami nakakalapit sa kinaroroonan ng Aquos ay ganito na ang nangyari.

Isang tunog galing sa tubig na tila may sunod sunod na umahon ang nakaagaw sa pansin naming tatlo.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko sina Serene,Eros,Lash,Megan at Kianah.

Lumangoy kami papalapit sa kanila.Umubo-ubo pa silang lahat bago nila kami makita.

"Mitch! Thank goodness you're okay!" Si Serene.

"Salamat din at ayos kayo."

"Where's Van?" Biglang singit ni Megan.Agad naming nilibot ang paningin namin ngunit hindi namin siya nakita.

"Si Shamiere? Si Dawn?!" Nag-aalalang tanong na din ni Lash.

Ang kabang bumalot kanina sa akin ay muli na namang nanumbalik nang mapagtantong wala nga silang tatlo dito.

"Serene can you use your ability?" Biglang sabat ni Theo.Alinlangan namang tumingin si Serene sa kaniya bago dahan dahang tumango.

"Susubukan ko."

Maya maya pa'y pumikit na siya at nag pokus sa ginagawa niya.

Telepathy.

Kaya niyang makipag-komunikasyon gamit ang isip ngunit hindi niya pa ito lubusang nagagamit dahil hindi niya ito kontrolado.

Nang magmulat siya ay mahahalata sa mukha niya ang pagkabigo.Unti-unti siyang umiling.

"Subukan mo ulit,we have to make sure that they're safe." Si Theo.Makikita sa mukha ni Serene na hindi niya talaga kaya ang ipinapagawa sa kaniya ni Theo,akmang sisingit nako sa usapan nang makarinig kami ng pagkampay sa tubig.Napatingin kami sa likuran ni Theo at dun namin nakita sina Van kasama si Dawn at parehas silang lumalangoy papunta sa gawi namin.

"Where's Shamiere?!" Tumaas na ang tonong tanong niya.

"I-I didn't saw her." Si Van.

"Damn it!"

Susulob na siya pailalim ng tubig nang bigla siyang hawakan ni Megan.

"Where are you going?" May bahid ng pag-aalalang tanong niya.

"I have to find her! Hahanapin ko siya,huwag kayong aalis dito!" Tuluyan na siyang lumangoy pailalim ng tubig habang kami ay nakalutang pa rin at hindi alam kung ano ang gagawin.

Makalipas pa ang ilang minuto ay umahon si Theo habang hinihingal.Halata na sa mukha niya ang matinding kaba at pag-aalala.

"Shamiere!!" Nagsimula na siyang sumigaw,nagbabakasaling marinig siya nito.Lumangoy ako palapit sa kaniya at hinawakan siya sa balikat.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon