Chapter 104: The Last Glow

17K 464 243
                                    

SHAMIERE'S POV

"Sinong nagsabing tutulungan mo siya?"

Agad akong napakalas mula sa pagkakayakap kay Amanda at nilingon mula sa likuran ko ang nagsalita no'n.

Doon ko nakita si Serene na mag-isang nakatayo habang nakatitig sa akin nang masama.

"Hindi mo siya tutulungan, Amanda." paunang anas niya at pagkuwa'y dinuro ako.

"Kulang pa 'yang sinapit niya! Kulang pa 'yan sa lahat ng kasinungalingan at pagtataksil na ginawa niya sa 'tin! Kulang pa 'yan bilang kabayaran sa pagpatay niya kay Mitch! Kulang na kulang!" sigaw niya na naghatid nang matinding kirot sa 'king dibdib.

Maluha-luha at iika-ika akong naglakad papalapit sa kaniya at walang pagdadalawang-isip na lumuhod sa harapan niya. Sinubukan kong abutin ang mga kamay niya ngunit mabilis lamang niya itong itinabig.

"S-Serene, paniwalaan mo naman ako, oh. H-Hindi ako ang gumawa no'n kay Mitch, hinding-hindi ko magagawa 'yon sa kaniya-"

"Pwede ba?! Tama na! 'Wag mo nang aasahang paniniwalaan ka pa namin!" saglit niyang tinitigan ang aking dagap.

"At 'wag na 'wag mo ring aasahang kakaawaan kita dahil hindi ka nakakaawa!" dugtong niya at mabilis akong nilampasan na sinadya pang banggain ang aking katawan dahilan para tuluyan akong bumagsak sa lupa na siyang ikinakirot ng aking kabuuan.

"Sham!" akmang lalapit na sa 'kin si Amanda nang pigilan siya ni Serene.

"Amanda, let's go!"

"But Serene-" napatigil siya nang hawakan siya ni Serene nang mariin sa braso at tinitigan ng may pagbabanta.

"You know that consequences if you help her, let's go!" walang nagawa si Amanda kundi ang tingnan ako ng may awa sa mga mata at sundin si Serene.

Tanging pag-iyak nalang ang nagawa ko nang magsimula silang tumalikod at humakbang paalis.

Subalit hindi pa man din sila tuluyang nakakalayo mula sa kinasasakdalan ko ay naglakas-loob na akong magsalita.

"H-Hanggang kailan?"

Naramdaman ko ang agarang paghinto nila. Pinilit kong punasan ang mga luhang patuloy sa pag-agos mula sa namumugto kong mga mata at pagkuwa'y nilingon sila.

"H-Hanggang kailan niyo ko p-paparusahan sa kasalanang h-hindi ko naman ginawa? Hanggang k-kailan matatapos ang paghihirap ko? Ang pagdurusa ko? H-Hanggang kailan, Serene?" namamaos na ang boses na sambit sa kanila.

Marahas namang lumingon pabalik sa gawi ko si Serene at nangangalit ang mga busilig na ako ay tinitigan.

"'Wag na 'wag mong sasabihing hindi ikaw ang may gawa dahil kitang-kita namin!" bahagyang nanginig ang kaniyang tinig dahilan upang mapatingin siya sa malayo't mapapikit bago muling ibinalik sa akin ang kaniyang atensyon.

"Kitang-kita namin ang pagpatay mo sa kaniya, Shamiere! At kahit kailan ay huwag mo nang aasahang matatapos pa ang pagdurusa mo dahil habang-buhay ka namin sisingilin bilang kabayaran sa lahat ng ginawa mo!"

Matapos no'n ay muli na niyang hinila si Amanda papalayo sa akin.

Tanging paghikbi nalang at pagyakap sa sarili ang nagawa ko. Napayuko ako habang nanatiling nakasalampak sa maduming lupa.

Humahagulgol sa gitna ng kawalan.

"Karapat-dapat lang sa 'yo 'yan."

Dahan-dahan akong napatingala sa tinig na narinig at doon ko nasilayan ang galit sa mga mata ng lalaking ngayo'y nasa harapan ko.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon