Chapter 57: Promise

9.3K 445 77
                                    

Shamiere's POV

Nagising ako sa isang pamilyar na silid.Nang umupo ako sa kama at inikot ang paningin ay dun ko lang napagtantong nasa loob ako ng clinic.

Biglang tumunog ang pintuan senyales na may pumasok kaya napadako dun ang paningin ko at nakita ko silang lahat na dahan-dahang naglakad papunta sa akin.

May kakaiba sa mga mukha nila.Tipong parang nag-aalinlangang lumapit sa akin dahilan para mangunot ang noo ko.

"May problema ba?"

Walang sinuman sa kanila ang sumagot sa akin.Nang tingnan ko si Theo ay isang blangkong tingin lang ang iginawad niya sa akin.

"K-Kamusta si John? Ayos na ba ang lagay niya?" Pag-iiba ko ng usapan.Ni isa sa kanila ay walang kumibo kaya nakaramdam ako ng inis.

"Ano bang nangyayari?"

Nagdaan pa ang ilang segundo bago magsalita si Mitch.

"A-Ayos na si John,S-Sham."

"Mabuti kung ganun,pero bakit parang may kakaiba sa inyo?"

"H-Ha? Ano wala, wala.A-Ayos ka na ba?" Nanliit ang mga mata ko kay Mitch pahiwatig na hindi ako kumbinsido sa sinasabi niya.

"Tell me, what's the problem." Tinitigan ko sila isa-isa.Kumpleto silang lahat,maging sina Yvonne at Bea ay nandito rin pero maging sila ay hindi makatingin sakin ng diretso.Hindi nila kasama si Dawn.

"Are you a Zokusian?"

Isang tanong na nagpatigil sakin.Napunta kay Serene ang atensyon ko dahil sa tanong niyang yun.

"S-Serene!" Suway sa kaniya ni Mitch pero hindi siya nito pinansin at nanatiling nakatitig sakin.

"A-Ano bang sinasabi mo? Bakit mo naman natanong kung isa akong Zokusian,imposible yan Seren-"

"Answer my freaking question!"

Muli kong binalik kay Theo ang tingin ko,nagbabakasakaling ipagtatanggol niya ko.

"Sumagot ka Sham." Biglang sabat ni Bea.

"A-Ano.."

"Damn it! Just answer!"

"H-Hindi! Hindi ako Zokusian!"

"Liar!" Sigaw pabalik ni Serene.Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng bigat sa kalooban ko.

"Hindi ako Zokusian! What makes you think that i'm an enemy?!" May bahid ng inis ang tanong ko sa kaniya.Ngunit nang sinagot niya ang tanong ko ay literal na natigilan ako.Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sandaling marinig ko ang sinabi niya.

"Because you have the power of Zokusians!"

Sa isang iglap,isa-isang pumasok sa isip ko ang mga pangyayari kanina.

Nilukob ako ng matinding galit nun dahilan para mawala ako sa sarili ko.Hindi ko na alam ang mga pinaggagawa ko.Ang alam ko lang nun,galit na galit ako dahil sinaktan ang taong mahal ko.

Hindi ko naisip na napalabas ko ang isa sa pinakadelikadong kakayahan ko.

"Muntik mo na kaming mapatay Sham! Muntik mo na kaming matusta gamit ang itim mong mahika!" Boses ni Serene ang nakapagpabalik sa ulirat ko.

"H-Hindi ko sinasadya.M-Maniwala kayo sakin,h-hindi ako kalaban."

"How can we believe you if in the first place,hindi namin alam kung saan ka nagmula?"

Tumayo ako at humakbang palapit sa kanila.Ngunit saktong paglapit ko ay umatras sila dahilan para makaramdam ako ng takot,lungkot at kaba.

Hindi maaari to!

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon