Chapter 39: Jealous

11.7K 507 33
                                    

SHAMIERE'S POV

Martes, kasalukuyan akong naglalakad mag-isa sa pasilyo nang biglang sumulpot sa harapan ko si Amanda kasama ang mga kaibigan niya. Nakangisi sila sa akin kaya napagtanto kong may pinaplano na naman silang gawin laban sa 'kin.

"Two minutes." usal ko na ipinagtaka nila.

"What?"

"I'll give you two minutes to talk, I'm not in the mood right now, kaya kung pwede pakibilisan." saad ko na agad na ikinasalubong ng magkabila niyang kilay.

"Ang kapal mo! Matapos mong landiin at akitin si Theo, gaganyan-ganyan ka sa harap ko? You pathetic bitch-"

"Pwede ba? Paulit-ulit nalang ang mga pinagsasabi mo! Kaya kung wala ka ng ibang sasabihin ay umalis ka na sa harapan ko bago pa kita matusta." mariing wika ko sa kaniya dahilan upang agad na bumalatay ang matinding galit sa mga mata niya.

"Who do you think you are, huh? Sino ka ba para katakutan namin? You're nothing but a whor-"

*PAAAAK!*

*PAAAAK!*

Sinampal ko siya sa magkabilang pisngi niya.

"The next time you'll say something like that to me, I'll make sure that you will surely regret messing up with someone like me, mark my words, Amanda. I am dead serious." hindi ko na siya hinintay pang makasagot at agad nang naglakad papalayo sa kanila.

Pero bago pa man din ako makaalis sa lugar na 'yon ay bigla nalang may mga baging na pumulupot sa dalawang paa ko't hinila ako, subalit hindi ko hinayaang tangayin ako nito, mabilis akong nagpalabas ng apoy sa kamay ko at dagliang sinunog ang mga baging na 'yon.

"We're not yet done, you bitch!" nang lumingon ako ay may bumubulusok ng matatalim na mga tinik papunta sa kinatatayuan ko.

Hindi ako kumibo at sa halip ay ikinumpas ko ang kanang kamay ko't agad na nahawi ang mga ito.

Gulat siyang tinitigan ako, nasa likod niya ang mga kasama niya at naghahanda sila ng mga ibabato nilang atake laban sa akin.

"Matuto kang lumaban ng harap-harapan, hindi 'yong aatake ka kapag nakatalikod ako." usal ko at nagsimulang humakbang ng mabagal papalapit sa kanila.

"Ch-Chelsea!" tawag niya sa kasama, agad naman itong napatango at tila'y naghanda para kontrolin ang katawan ko pero hindi siya nagtagumpay.

Naguguluhan itong tumingin sa akin at napaatras nang umangat ang isang sulok ng labi ko.

Mariin ko siyang tinitigan at tinabingi ang ulo ko.

Matapos ko siyang pag-aralan ay simple kong hinawi ang kamay ko sa direksyon niya kaya humagis siya sa pader at napadaing sa sakit.

"CHELSEA!" sigaw nila at agad na pinuntahan ito. Galit na binalingan nila ako ng tingin.

"Rose! Alyssa!" puna niya sa dalawa pa at agad silang tumayo at hinarap ako.

Magkasabay silang nag-angat ng kanilang mga kamay patungo sa gawi ko na tila'y nagpapalabas ng kapangyarihan nila, pero makaraan pa ng ilang segundo ay napalitan ng pagkalito at pagkagulat ang galit nilang mga mukha. Takang-taka silang napatitig sa akin sanhi upang muli na naman akong napangisi.

"How many times do I have to tell you?"

Ipinagpatuloy ko ang naudlot kong paglalakad.

Mabagal akong naglakad patungo sa kanilang dalawa.

"Don't."

"Mess."

"With."

"Me."

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon