Chapter 20: Kianah and Pootsie Toothsie

16.8K 705 136
                                    

BEA'S POV

Gulantang at naguhulumihanan man sa nakikita ngayon ay hindi ko maiwasang matuwa dahil sa katotohanang ligtas si Shamiere.

I thought we lost her.

Pero muling nilukob ng kaba ang dibdib ko nang makitang unti-unting napalitan ng galit ang mapang-uyam niyang ngisi.

"My turn." nakakatindig-balahibong sambit niya.

Biglang nawala ang barrier na nakapalibot sa buong Battle Ground.

Mas umangat pa siya sa ere at kasabay no'n ay ang pagtaas niya ng kaniyang dalawang kamay at mula ro'n ay dahan-dahang namumuo ang isang maliit na kulay pulang apoy. Paunti-unti itong lumalaki. At ganoon na lamang ang pagkagulat at singhapan ng lahat nang bigla na lamang itong maging isang napakalaking dragong gawa sa naglalagablab na apoy.

Isang napakabagsik na kulay pulang dragon.

Napaatras ang lahat dahil sa nakita.

Dumagundong ang napakalakas na atungal ng isang dragon sa buong akademiya na naging dahilan para mabalisa ang sangkatauhan.

Kasing pula ng mga mata nito ang kulay ng balat niya.

Lumipad ito paitaas sa ere at pumalibot-libot doon hanggang sa bigla nalang itong bumulusok paibaba sa lupa.

Papunta ito sa kinatatayuan ni Theo na hanggang ngayon ay tulala pa rin sa nangyayari.

"Theo!" puno nang pagkabahalang sigaw namin.

Nang ilang dipa nalang ang layo ng dragon mula sa kaniya ay bigla itong naglaho na parang bula.

"Just kidding." nakangisi na namang sambit ni Shamiere at kasunod nito ay ang nakakalokong halakhak niya.

Mabagal siyang naglakad papunta kay Theo na parang wala pa rin sa sarili at iniayos niya pa ang kwelyo nito at pinagpagan ang manggas ng uniporme nito. Matapos niyang gawin 'yon ay tumingkayad siya at itinuon ang bibig niya sa tenga ni Theo.

"Train harder, huh?" mapang-uyam nitong bulong ngunit narinig ko pa rin.

Akmang tatalikod na sana siya nang bigla siyang huminto na wari ba'y may naalala, ilang saglit pa ay marahas siyang lumingon kay Theo kasabay nang pagbalot nang naglalagablab na apoy sa kaniyang kamay at buong lakas na sinapak sa mukha ang huli bagay na ikinabigla naming lahat.

Napasalampak sa lupa si Theo.

Nang ibaling ko ang paningin ko kay Shamiere ay do'n ko lang napansing wala na siyang sugat o paso man lang sa braso niyang dumudugo kanina.

And how the heck did that happen?!

THIRD PERSON'S POV

Nang matapos sapakin ng dalaga ang binatilyo ay agad niyang nilisan ang Battle Ground at hindi na hinintay pang ianunsiyo ng punongguro kung ano ang kinalabasan ng kanilang pakikipagtunggalian.

Parang wala naman sa sarili ang mga estudyante maging ang mga propesor na hanggang ngayon ay nakaawang pa rin ang mga labi mula sa kanilang nasaksihan.

Sa isip nila ay patuloy pa rin silang nagugulat sa kakayahan at sa mga kaya pang gawin ng dalaga.

Nang matauhan sina Mitch ay agad nilang pinuntahan si Theo na patayo na mula sa pagkakahiga sa lupa. May pasa ito sa kanang bahagi ng kaniyang pisngi at dumurugo ang ilong nito, mabuti na lang at hindi ito nagkaroon ng paso.

"Theo! Thank goodness, you're okay!" balisang pahayag ng dalagang si Serene.

"Why did you do that?!" biglang sigaw naman ni Mitch dahilan upang magulat sila.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon