Chapter 47: Day Date Disaster

10.3K 412 11
                                    

SHAMIERE'S POV

Kinabukasan ay maaga akong nagising upang makipagkita kay Theo.

Linggo ngayon at ngayon ang araw na sinabi niyang lalabas daw kaming dalawa upang maglibot at magsama.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari kahapon. Nakapaskil pa rin sa labi ko ang ngiting hindi mawalawala magmula nang mangyari ang mga nangyari kahapon.

Pababa na 'ko ng hagdan nang makasalubong ko si Bea na siya namang paakyat.

"Woah, ang ganda mo, Sham!" bulalas niya na bahagya kong ikinamula. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa mga papuring ibinibigay nila.

"Salamat." maikling sagot ko at nginitian siya.

"Saan ka pupunta at mukhang bihis na bihis ka?"

Agad akong natigilan sa sinabi niya.

Masyado ba 'kong nag-ayos ng sarili ko?

"Lalabas lang kami ni Theo." sambit ko sa kaniya. Nanunuksong napangiti naman siya.

"Uy, ikaw, ah! Hindi mo na kinukwento sa 'min 'yang sa inyo ni Theo. Mamaya n'yan malaman namin kayo na pala." biro niya at tumawa na na agad kong ikinatahimik.

Humakbang ako paibaba hanggang sa maglapit na kami ng mga baitang.

"B-Bea, sa totoo lang ay kami na." utal na usal ko. Naglaho ang ngiti sa mga labi niya at tila ba'y naestatwa.

Nakaramdam ako ng kaba. Baka magtampo siya dahil hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol dito.

"Pero kagabi ko lang naman siya sinagot kaya ngayon ko lang din nasabi-"

Naputol ang akmang sasabihin ko nang bigla siyang tumili, agad akong napatakip sa magkabilang tenga ko.

"KYAAAAH!!!"

"Nasaan ang sunog?! Nasaan?!" biglang sumulpot si Yvonne sa ibaba namin na sa tingin ko ay galing pa sa kusina.

"KYAAAAH! SILA NA NI THEO!!!" muling sigaw ni Bea. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Yvonne at hindi kalaunan ay. . .

"WAAAAAAAAHHHHHH!!!"

Dalawa na sila ngayon ang nagtitili sa harap ko at sobrang sakit na sa tenga kaya mas diniinan ko pa ang pagtakip sa mga ito.

Hindi tumagal ay natapos din sila kaya naman inalis ko na ang pagtatakip ko sa tenga ko.Nakingiti silang pareho sakin.

"Kailan pa naging kayo Sham?" Masayang tanong ni Yvonne.

"Sa totoo n'yan, kahapon lang. Hindi ko na naibalita pa sa inyo dahil gabi na rin ako nakauwi rito." pagpiwanag ko.

"Kaya pala ang tagal mo! Pero grabe! We're so happy for the both of you, Sham! Kinikilig akooo!" masayang pahayag pa ni Bea.

"S-Salamat." nakangiti kong tugon sa kanila, wari kong namumula pa rin ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiya sa kanilang dalawa.

"So, lalabas kayong dalawa ngayon?" pag-uusisa pa nila.

"Oo, lalabas lang kami. Baka mamayang gabi na rin kami makabalik."

"So, it's a date?" panunuksong tanong pa niya. Tumaas-baba naman ang kilay nilang dalawa.

"Kayo talaga, lalabas lang naman kami-"

*TOK!*

*TOK!*

*TOK!*

Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang marinig namin ang sunod-sunod na pagkatok sa pintuan.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon