SHAMIERE'S POV
"A-Ano 'yon, Sham?"
Hindi ko pinansin ang ginawang pagtanong ni Mitch at sa halip ay mariin silang nilingon at pagkuwa'y tinitigan.
"Kailangan natin silang iligtas." mga salitang isinambit ko bago tuluyang maglakad paalis ng silid na iyon.
Nasilayan ko pa ang nagkalat na mga sira-sirang kagamitan dahil sa ginawang pagsugod ng mga kalaban.
Nagiging malakas na ang loob nila sapagkat alam nilang may kakampi sila mula rito sa loob ng paaralan.
Hindi nagtagal ay narinig ko ang sunod-sunod na mga yabag ng mga paa ng mga kasamahan ko senyales na sinundan nila ako.
Huminto ako mula sa paglalakad at hinarap sila.
"Tell Headmaster Jiro what happened." paunang wika ko.
"Magkita na lang tayo mamaya sa harap ng tarangkahan nitong akademiya."
Agad na nangunot ang kanilang mga noo.
"Why? Where are you going?" naguguluhang tanong ni Theo.
"May pupuntahan lang ako, babalik din ako kaagad. Hindi na dapat tayo magsayang pa ng oras, maaaring may gawin silang masama kay Yvonne at Bea."
Bakas na rin sa mukha nila ang matinding pangamba't pagkabahala para sa dalawang kaibigan namin.
"Umalis na kayo." muli kong sambit at kahit na nagsasapantaha ma'y hindi na sila nagtanong pa't agarang tumango bago tuluyang lumisan.
Bago umalis ay nag-aalala pa akong sinulyapan ng tingin ni Mitch at bilang ganti ay isang marahan na pagtango ang aking iginawad sa kaniya.
"Saan ka pupunta?"
"Bakit nagpaiwan ka pa?" sinagot ko ng tanong ang katanungang iyon ni Theo.
"Gusto kong malaman kung saan ka pupunta."
Napatingin ako sa malayo bago sumagot sa kaniya.
"Basta, wala ng oras upang magpaliwanag pa. Babalik din ako kaagad." buo ang loob na wika ko at hindi na siya hinintay pang makapagsalita't tuluyan na siyang tinalikuran.
MITCH'S POV
"Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Headmaster, kumuha kayo ng mga kakailanganin natin para mamaya. Lulusob tayo sa kaharian ng mga kalaban kaya maghanda kayo." mahabang litanyang smbit ni Van. Nagkatinginan kaming lahat bago nagsitanguan.
Nagtungo na siya papunta sa silid ni Headmaster samantalang kami naman ay dumiretso sa dormitoryo naming mga Royalties.
Ngunit pagtapak pa lang namin papasok sa loob ng aming silid ay agad na kaming natigilan.
Halos lahat ng gamit namin ay nagkalat na sa kung saan man.
Nagsitumbahan ang mga taborete at maging ang mga gabinete sa sala.
Dahil sa aming nadatnan ay agad kaming kinutuban kung kaya't dali-dali kaming pumasok sa kaniya-kaniya naming silid upang tingnan ang aming mga kagamitan, ngunit nang makapasok ako sa aking silid-pahingahan ay agad akong napatigil sa aking naabutan.
Animo'y dinaanan ng bagyo ang kabuuan ng aking silid. Wasak ang kama pati na rin ang mga babasaging bagay ay nagkalat sa sahig.
Nang may maalala ako ay agad akong tumakbo papunta sa harap ng gabineta ko at nang buksan ko ito ay nasapo ko ang ulo ko.
Ang libro.
Ang mahiwagang libro.
Nawawala ang librong nakita ko sa loob ng silid-aklatan.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...