Chapter 69: Tornado

12.7K 471 37
                                    

SHAMIERE'S POV

"S-Si Dawn. . .  D-Dawn Devons."

Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak ko sa kaniyang panga.

Unti-unting bumigat ang paghinga ko.

Ramdam na ramdam ko ang pagngitngit ng mga ngipin ko sa labis na galit na agarang nadarama ko. 

"AHHHH!" kumawala ang isang kahindik-hindik na pagsigaw mula sa mga labi ni John nang muli kong hawakan nang mahigpit ang panga niya at balutin ng apoy ang kamay ko.

"SHAM!" mabilis kong ikinumpas ang kamay ko sa gawi ni Miko dahilan upang tumalsik siya papalayo.

Hindi ko man gustuhing saktan siya ay hindi ko nagawang pigilan ang emosyon ko, labis na galit na ang namayani sa buong sistema ko.

"Ulitin mo ang sinabi mo." walang kahit na anong emosyon ang mahihimigan sa tinig na utos ko kay John. Makikita na ang labis na paghihirap sa mga mata niya dulot ng apoy na pumapaso sa mukha niya.

Pilit man niyang iniaalis ang mukha niya ay hindi ko siya pinapahintulutan.

At ang galit na nararamdaman ko ay mas lalo pang sumiklab nang lumipas pa ang ilang segundo ay hindi pa rin siya sumasagot.

Gamit ang kaliwa kong kamay ay bumuo ako ng isang matulis na yelo at dahan-dahan itong inilapit sa leeg niya.

"Ulitin mo ang sinabi mo!" may diin na ang mga salitang sambit ko sa kaniya.

Nasaksihan ko pa ang ginawang paglunok niya at ang pag-iwas niya ng kaniyang leeg mula sa yelong nakatutok na sa kaniya bago siya tuluyang nakapagsalita.

"S-Si D-Dawn! Si Dawn D-Devons!" malakas na sigaw niya. At bago pa man din tuluyang masunog at maging abo ang mukha niya ay marahas ko na siyang binitawan na naging dahilan upang agad siyang mapasalampak sa damuhan at magpagulong-gulong habang humihiyaw sa sakit.

Subalit hindi ko na siya nagawang pagtuunan pa ng pansin.

Wala sa sarili akong napayuko dahil sa mga nalaman. 

Ipinikit ko ang mga mata ko para kontrolin ang sarili sa nagbabadyang pag-usbong ng labis na galit sa kabuuan ko.

Subalit nabigo ako upang gawin 'yon.

Tama ako.

Tama nga ako.

Siya ang traydor!

THIRD PERSON'S POV

Tahimik.

'Yan ang namayani sa pagitan ng dalawa. 

Kahit na labis mang nasasaktan at nahihirapan sa matinding pinsala na nasa kaniyang mukha ay lihim na nagpasalamat ang binatang si John sa pag-aakalang makakaligtas na siya mula sa mga kamay ni Shamiere, subalit naglaho ang pag-asa niyang 'yon nang dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang ulo sa dalagang na sa kaniyang harapan at ganoon na lamang ang labis na gulat at pagkabahag na agarang sumibol sa kaniyang sistema nang kaniyang masilayan ang unti-unti nitong pag-angat ng paningin na dagliang tumigil sa kaniyang dagap.

Agad siyang napalunok dahil sa kaniyang nasaksihan.

Unti-unting nagbago ang kulay ng mga mata ng dalaga na nasa kaniyang unahan, mula sa normal nitong kulay ay naging kulay itim ang mga ito.

Walang kahit na anong emosyon ang makikita sa mga busilig nito ngunit mararamdaman ang matinding galit sa pamamagitan ng pagtitig nito.

Kahit na labis mang nanghihina ay sinubukan ng binata na tumayo upang makalayo.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon