Chapter 94: Tails of the Luminescent

14.1K 460 91
                                    

SHAMIERE'S POV

Naramdaman ko ang dagliang pag-iba ng kulay ng aking mga mata. Kagaya ng aking mga pakpak ay naging kulay ginto rin ang mga ito.

Nang tingnan ko ang naging reaksyon ng buong sangkatauhan ay doon ko nasilayan ang gulantang nilang mga mukha na tila'y gulat na gulat sa kanilang nakikita.

Hindi ko na sila pinansin pa at sa halip ay marahang hinagilap ng aking mga mata si Theo at nang makitang ligtas na siya ay mabilis kong ibinuka ang aking mga pakpak at walang pakundangang lumipad pabalik sa himpapawid.

Iniwan ko ang lahat na nanatiling gitaltal at hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan.

Kailangan ko ng tapusin ang kasamaan ni Zokus.

Mabilis kong pinagaspas ang ginintuang kong mga pakpak. Sumasabay naman sa hangin ang malaalon kong kulay gintong buhok na mas tumingkad pa ang pagiging kulay ginto kaysa kanina.

Nang sandaling makarinig ako ng pagpagaspas din ng bagwis ay agad na 'kong bumuo ng atake, gamit ang elementong tubig at ang bolta-boltaheng kuryente mula sa palad ko ay agad ko itong pinakawalan sa pinagmumulan ng tunog na narinig ko. Ngunit nang pakatitigan ko itong mabuti ay wala akong ibang nakita.

Agad na nangunot ang noo ko.

Subalit saktong paglingon ko pabalik sa harapan ko ay daan-daang bumubulusok na mga sandatang gawa sa yelo at apoy ang siyang lumilipad papunta sa akin.

Mabilis kong hinarang ang pakpak ko upang protektahan ang sarili ko.

Bahagya akong nakahinga nang maluwag nang hindi nagkaroon ng kahit na anumang pinsala ang mga ito nang tumama ang ginawa niyang pag-atake.

Ilang saglit pa ay ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang paligid. Hindi nagtagal ay napangisi ako nang mapag-alaman kung nasaan ang kaniyang kinaroroonan.

Ipinalaho ko ang sarili ko't naging isw sa hangin bago tuluyang lumitaw sa kaniyang harapan na lingid sa kaniyang kaalaman dahilan upang siya'y agarang magulantang.

Mabilis akong kumilos at sinipa siya nang makailang ulit bago ko siya suntukin nang pagkalakas-lakas.

Batid kong nasaktan siya sa ginawa kong 'yon, Hari man siya ng kadiliman ay alam kong nanghihina rin siya kagaya ko.

Pero hindi pa ako tapos.

Mula sa kung saan ay unti-unting nagkaroon ng espadang gawa sa metal ang kaliwang kamay ko. Marahas ko itong inihagis sa itaas at sinalo gamit ang kanang kamay ko at dagliang itinutok sa kaniyang leeg bagay na kaniyang ikinagitla.

"Isang maling galaw mo lang at hindi ako magdadalawang-isip na pugutin ang ulo mo." seryosong sambit ko sa kaniya.

Subalit ang akala ko ay matatapos na ang laban, ngunit hindi, nagkakamali ako.

Masyado ko siyang minaliit.

Mula sa kawalan ay isang bagay mula sa aking likuran ang siyang ramdam kong sagadsad-dausdos na papalapit, umikot ako upang tingnan ito at mabuti na lang ay maagap akong napaliyad dahil kung hindi ay tiyak na tuluyan nang naputol ang aking ulo.

Ang Zokus na kanina'y kaharap ko ay isang huwad, sapagkat ang totoong Zokus ngayon ay nasa aking harapan.

May hawak-hawak siyang mahabang itim na espada at sa dulong hawakan nito ay may disenyong gawa sa bungo na siyang sumisimbolo ng kamatayan.

"Akala mo siguro ay basta-basta mo nalang akong matatalo." nakangising bigkas niya.

"Hindi hamak na mas malakas ako kaysa sa 'yo!" malakas na dagdag niya at pagkuwa'y hinagis ang sandata patungo sa direksyon ko na agad ko namang naiwasan.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon