Epilogue

29.1K 788 928
                                    

[Play 'The One that Got Away' while reading this chapter.]

Lahat tayo ay may mga bagay na pinagsisisihan, mga bagay-bagay na nangyari sa buhay natin na punong-puno ng sana. Mga bagay na sana'y hindi nalang natin ginawa, na sana'y ginawa natin.

Lahat tayo ay may mga pangyayari sa buhay natin na gusto nating balikan, na gusto nating itama. Subalit kahit anong gawin natin ay wala na tayong magagawa pa kundi ang tanggapin ito at magsilbing alaala na lamang sa buhay, magsilbing leksyon sa ating buhay. Wala na tayong magagawa pa kundi ang magpatuloy nalang, harapin ang buhay ng may pagsisisi.

***

Ilang araw matapos ang pagkamatay ng dalagang si Shamiere, ang lahat ay nagluksa. Lahat sila ay nagdusa. Binalot ng konsensya ang buong pagkatao nila. Gustuhin man nilang itama ang mga mali nila'y hindi na nila magagawa pa dahil huli na ang lahat. Tuluyan ng nawala ang kaawa-awang dalaga na puno ng sakit, lungkot at pighati ang puso nang sandaling maputulan ito ng hininga.

Sa parte ng Akademiya, sa hardin kung saan dati ay pinupuntahan ng dalawang magkaibigan ay mayroong isang binata na nakaluhod sa damuhan sa harap ng isang puno. Lihim itong humihikbi't paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng namayapang kaibigan.

Pinapalandas nito ang kamay sa mga pangalang nakaukit sa katawan ng puno na nasa kaniyang harapan, ang pangalan nilang dalawa. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha nito sa magkabila niyang pisngi. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak, umiyak na punong-puno ng pagsisisi.

"Sh-Sham." Basag ang boses na sambit niya't muling pinasadahan ng kamay ang pangalan ng dalagang nakaukit sa puno. Tila'y bumalik sa alaala niya ang mga panahong magkasama pa silang dalawa ng dalaga, mga panahong masaya pa silang dalawa, mga panahong buhay pa ang kaibigan niya. Naalala niya ang mga ngiti nito, naalala niya ang mga tawa't halakhak nito na kailanman ay hindi na niya muling maririnig pa, naalala niya ang mukha nito na kahit kailanman ay hindi na niya muling masisilayan pa.

Mas lalong lumakas ang kaniyang mga panaghoy nang tila'y isang alon sa karagatan na dumaloy sa kaniyang isipan ang mga pangyayari sa pagitan nila ng dalaga. Bumalik sa isipan niya ang gabi kung kailan nakita niya ang kaawa-awang itsura ng dalaga na tila ba'y naghahanap ng makakapitan, na tila ba'y naghahanap ng kakampi, na tila ba'y naghahanap ng masasandalan.

"M-Miko, t-tulungan mo'ko. Hindi, h-hindi ko na alam kung ano ang nangyayari, pinagbibintangan n-nila ako sa i-isang bagay na hindi ko naman g-ginawa, M-Miko pagod na pagod na'ko. H-Hindi ko na alam kung ano ang g-gagawin ko."

Naalala niya kung paanong nakakita ng pag-asa ang dalaga nang muli siyang makita nito.

"M-Miko, t-takot na takot ako. A-Akala ko mag-isa nalang ako, a-akala ko iniwan mo na din ako."

Naalala niya nang sandaling magising ang dalaga sa loob ng madilim na silid at mas inalala pa nito ang kalagayan niya kumpara sa sarili nito.

"M-Miko, may ginawa ba sila sayo?S-Sinaktan ka ba nila? M-May masakit ba sayo?"

Naalala niya ang pagbalatay ng matinding gulat, kaba, panghihinayang, lungkot at kawalaan ng pag-asa sa mga mata nito nang malaman nito ang buong katotohanan. Naalala niya kung paano itong nagmakaawa sa kaniya. Kung paano itong humahagulgol na nakikiusap sa harapan niya.

"M-Miko, h-hindi totoo yan. N-Nagbibiro ka lang d-diba? A-Alam kong nagbibiro ka lang, p-pakiusap sabihin mong nagbibiro ka lang M-Miko dahil, d-dahil hindi ko na alam a-ang gagawin ko kapag pati ikaw ay iwan ako, i-ikaw nalang a-ang inaasahan kong masasandalan ko. M-Miko, n-nagmamakaawa ako, w-wag mo namang g-gawin sakin to oh. K-Kasi ang sakit na, ang sakit sakit na."

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon