Chapter 40: Vampire's Attack

11.7K 483 9
                                    

THEO'S POV

Ilang minuto bago umalis si Shamiere sa cafeteria ay napagpasyahan kong sundan siya, kaya naman tumayo ako at agad na nagsitinginan sa akin ang iba pa.

"Oh, Theo? Aalis ka rin?" puna ni Yvonne.

"I'm gonna follow her."

"Pero hindi ka pa tapos kumain, ah." ani Mitch.

"I'm already done. Kita nalang tayo mamaya." sambit ko at agad nang umalis doon.

Luminga-linga ako sa paligid, nagbabaksakaling mamataan ko si Shamiere pero bigo akong makita siya.

Kaya napagdesisyonan kong pumunta sa garden, pero nang makarating ako do'n ay maraming estudyante ang nakaupo at nagkwkwentuhan sa lugar na 'yon. Inilibot ko pa ang paningin ko, nagbabakasakaling makita ko si Sham, pero agad din akong napabuntong-hininga nang bigo akong masilayan siya.

Nilisan ko na ang lugar na 'yon hanggang sa mapadpad ako sa malayo-layong parte ng akademiya. Balak ko na sanang bumalik sa pinagmulan ko nang makarinig ako ng mga boses na tila ba ay nag-uusap.

Pamilyar ang isa sa boses na 'yon at sigurado akong si Shamiere 'yon.

Agad kong sinundan ang pinanggagalingan ng mga boses nila at nang makalampas ako sa maraming puno ay bumungad sa akin ang isang napakagandang lugar. Pero hindi do'n napako ang paningin ko, natuon ito sa dalawang taong nagkatitigan at sobrang lapit na ng mga mukha sa isa't isa. Agad akong nakaramdam ng matinding galit, kaya sa sobrang sama ng loob na agarang lumukob sa sistema ko ay hindi ko na namalayan pa ang sarili kong nagpakawala ng apoy sa direksyon nila.

Mabilis silang napayuko dahilan upang mailagan nila ang ginawa kong pag-atake.

Dali-dali akong naglakad patungo sa kanila at walang pagdadalawang-isip na sinapak ang lalaking kasama ni Sham.

Gusto ko siyang saktan!

"You jerk! Alam mong nililigawan ko si Shamiere pero nilalandi mo pa rin! Asshole!" naghuhurumintado kong sigaw at muli na naman siyang ginawaran ng suntok.

Magang-maga na ang mukha niya sa dami ng suntok na nagawa ko pero wala akong pakialam.

Inaawat na 'ko ni Sham pero hindi pa rin ako tumitigil.

"Ano ba?! Ano bang problema mo?!" sigaw ni Shamiere sa 'kin at tumigil naman ako sa pagsapak kay Miko at galit na binalingan siya ng tingin.

"Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit umalis ka kanina? Para puntahan tong gagong 'to?!"

Dahan-dahang nangunot ang noo niya.

"Ano ba ng nangyayari sa 'yo?!" hindi ko na siya pinakinggan pa at agad nang tumalikod at naglakad nang mabilis paalis sa lugar na 'yon.

Ilang saglit pa ay narinig ko siyang tinatawag ako pero hindi ako tumigil, hindi ako lumingon.

"Theo!"

Hindi ko siya pinakinggan.

"Theo! Mag-usap tayo!"

"Theo ano ba?!"

Doon na 'ko tuluyang huminto. Tumigil ako sa paglalakad ngunit nanatili akong nakatalikod sa kaniya.

Mabilis siyang pumunta sa harapan ko at magkasalubong ang kilay na tinitigan ako.

"Ano ba ang problema mo at ganyan ka?!" malakas na sigaw niya. Kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at sumigaw na rin.

"Nakakainis ka kasi!"

"Nakakainis? Bakit?!"

"Because you keep on talking and seeing that guy!"

Inis siyang napasinghal sa 'kin.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon