Chapter 57: Tears of Sadness

14.4K 534 98
                                    

SERENE'S POV

I felt guilty.

I acted like I was so sure to what I am saying, but now that we already know the truth I just want to slap my face. Big time.

I want to curse myself for shouting and for accusing Sham for the things that she's not capable of doing.

She did not deserve those hurtful words when in fact she's the one who saved us from that hideous monster.

We witnessed how she burned the giant monster into ashes. We saw how powerful she is.

And how she fell in Theo's arms unconsiously.

But we also saw the pain in her eyes the moment we accused her.

"Nakokonsensya ako." napatingin ako kay Mitch nang marinig ko siyang sabihin 'yon.

Nasa tambayan kaming lahat ngayon at parehas kaming nakapangalumbaba sa upuan.

"Hindi lang ikaw, Mitch. No'ng una ay pinaghinalaan na natin ang pagkatao niya, naulit na naman." tugon naman sa kaniya ni Eros.

"We should've believed her." sabat naman ni Van.

"Hindi niya naman kasi tayo masisisi, I mean, wala tayong kaalam-alam sa kaniya." ani Megan.

"Kahit na, Megan, mali pa rin na pinagdudahan natin siya. Parang kinwestyon na rin natin ang pagiging kaibigan natin sa kaniya." dagdag pa ni Bea.

"I-I need to do something. Kailangan kong bumawi sa kaniya." sambit ko na nagpatigil sa kanila.

Tiningnan nila akong lahat.

"What do you mean?" kunot-noong tanong ni Lash.

"Basta, can you guys help me?"

"Ano nga ang gagawin?"

"I'll make it up for her. Gusto kong humingi ng tawad kay Sham, she didn't deserve to be treated like that."

"Count us in."

"Tawagin niyo si Theo."



SHAMIERE'S POV

Malapit nang gumabi kung kaya't napagpasyahan kong bumalik na sa dormitoryo.

Kanina pa kami umalis ni Theo sa rooftop at do'n kami nanatili sa cafeteria. Pero hindi pa man din kami nakakatagal ng cafeteria ay bigla na lang siyang may tiningnan sa likuran ko ngunit nang tingnan ko kung ano 'yon ay wala naman akong nakita. At mas lalo pa akong nagtaka nang bigla na lang siyang tumayo at nagpaalam sa akin dahilan para maiwan akong mag-isa roon.

Kaya ito ako ngayon at tinatahak mag-isa ang daan patungong dormitoryo.

Habang naglalakad sa isang madilim na daanan ay nakaramdam ako ng isang presensyang nasa likuran ko.

Binalewala ko ito at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Pero ilang minuto pa ang nagdaan ay nararamdaman ko pa rin ang presensya ng taong iyon.

Nang akmang lilingunin ko na iyon ay agad na lamang akong nabigla nang may kung sino ang tumigil sa harapan ko.

Gulantang akong napaangat ng tingin sa may-ari ng isang pares ng paa na nasa harapan ko.

"Van?" tawag ko sa kaniyang pangalan at marahang pinasadahan ang kaniyang kabuuan.

Nakasuot siya ng isang pormal na damit at masasabi kong bagay ito sa kaniya.

"H-Hey." utal na bati niya sa 'kin bago humakbang papalapit.

Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko senyales na nahihiya siya.

Nilingon ko ang likuran ko at hindi ko na maramdaman pa ang kakaibang presensyang naramdaman ko kanina lang.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon