Chapter 45: I Love You

10.7K 490 53
                                    

SHAMIERE'S POV

Nagtungo na 'ko papunta sa hardin.

Nang marating ito ay hindi ko nakita si Miko kung kaya't umupo nalang ako sa upuan na nasa ilalim ng puno. Bumuntong-hininga ako at luminga-linga sa paligid hanggang sa dumapo sa punong nasa likuran ko ang paningin ko.

Nakita ko ang malaking pinsala ng apoy na ibinato ni Theo no'ng isang araw. Tumayo ako at nilapitan ito.

Inilapat ko ang kanang kamay ko sa parteng nasunog at maya-maya pa'y naramdaman ko ang paglabas ng enerhiya mula sa palad ko.

Nang alisin ko ang palad ko mula rito ay napangiti ako sa nakita. Nawala na parang bula ang sunog na nasa katawan ng puno kanina lang.

"Nakakamangha."

Mabilis akong napalingon dahil sa tinig na 'yon.

"Miko!" naibulalas ko at tumakbo papunta sa kaniya. Niyakap ko siya at saka humiwalay.

"Hey, Sham, bakit nandito ka? Baka magselos na naman 'yong manliligaw mo." may diing sambit niya at pagkuwa'y ngumuso.

Natawa naman ako sa kaniya kaya pinisil ko ang nakalobong magkabilaang pisngi niya.

"A-Araaay! M-Mashakeeet!"

"HAHAHA!"

"Mashakeet, Shaaaam!"

"Oo na! Oo na! Titigil na!" tatawa-tawang wika ko bago alisin ang kamay kong nakapisil sa magkabilang pisngi niya.

"Aray! 'Yong pisngi ko!" ungot pa niya habang hinihimas-himas ang mukha niya.

"HAHAHA! Sorry na."

"Aish! Oo na! Oh, bakit ka nga pala nandito? Baka lusubin na naman ako no'ng Theo mo!" asik pa niya dahilan para muli akong mapatawa sa kaniya.

"Hindi, nakausap ko na siya."

"Tsh, mabuti naman. Ang sakit kaya ng mga sapak niya."

"Pagpasensyahan mo na siya, hindi na mauulit 'yon."

"Aba, dapat lang! Dahil kahit na prinsipe pa siya at manliligaw mo siya ay papatulan ko na 'yon!"

Natatawang napailing nalang ako sa mga isinalaysay niya.

"Hindi na mangyayari 'yon, kasi nga nag-usap na kami."

"Nagsasabi lang, eh."

"Oh, nga pala, wala ka pa bang klase?"

"Hindi ako pumasok, eh, ikaw? Ba't nandito ka pa? Nakita ko kanina mga kaibigan mong pumunta sa cafeteria, ah."

"Hindi ako sumama sa kanila, eh."

"Ha? Bakit naman?"

"Ayoko lang. . . may asungot kasing kasama." bulong ko sa huli kong sinabi.

"Ano 'yon?"

"Wala, eh, ikaw? Kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga, eh, kain tayo?"

"Sa cafeteria?"

"Malamang!" agad na aniya at pagkuwa'y binatokan ako.

"Aray! Ansakit no'n, ah!" atungal ko habang hinihimas-himas ang batok ko.

"Ang slow mo kasi, eh. Ayan patas na tayo, hehe! Ansakit din kaya ng pisngi ko, bleeeh!" nang sabihin niya 'yon ay agad siyang kumaripas ng takbo kaya naman tatawa-tawa din akong hinabol siya.

Ilang saglit pa ang nagdaan ay hindi namin namalayang nakabalik na kami sa may parteng field ng akademiya, gayunpaman ay hindi kami huminto sa pagtakbo't paghabulan.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon