Chapter 83: The War

14.6K 481 51
                                    

SHAMIERE'S POV

"I-Imposible!" hindi makapaniwalang sambit niya habang nananatiling nakatitig ang nanlalaki niyang mga mata sa mga kasamahan niya na ngayo'y pawang naging mga estatwa na.

"To me, nothing is impossible."

Nagsimula akong humakbang patungo sa kaniya.

Papalapit sa kaniya.

At habang naglalakad sa gitna ng lahat ay wala silang ibang ginawa kundi ako ay pakatitigan.

Hindi ko sila pinagtuunan ng pansin at bagkus ay mabilis na tinahak ang daan papunta sa taong sa harapan ko.

Nanatili lang na nakapako sa kaniya ang aking mga buliga.

"Bibigyan kita ng pagkakataong lisanin ang lugar na ito kaya kung ako sa 'yo ay umalis ka na." puno ng awtoridad at pagbabanta ang tinig na utos ko sa kaniya.

Tumangis ang kaniyang bagang at tila ba'y hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya hanggang sa tuluyan na siyang mapayuko sa kaniyang paanan.

Ngunit agad na napakunot ang noo ko nang lumabas mula sa kaniyang mga labi ang isang malakas na halakhak na agad dumagundong sa apat na sulok nitong silid.

At nang sandaling iniangat niya ang kaniyang paningin pabalik sa akin ay doon tuluyang tumambad sa akin ang ngayon ay nanlilisik na niyang kulay itim na mga mata.

"Hangal! Sa tingin mo ba ay susugod ako ng hindi handa?! HAHAHA!!!"

Subalit hindi ako natinag.

Hindi ako tanga.

Alam kong sa umpisa pa lang ay hindi lang sila ang lumusob dito.

Alam kong marami sila.

Maraming-marami sila.

"HANDULONG!!!"

At kasabay ng pagsigaw niyang 'yon ay ang agarang pagsulputan ng libo-libong mga kalaban mula sa kung saan.

Agad na nagkagulo ang lahat.

Sigawan at hiyawan kasabay nang maagap nilang pagsisitakbuhan upang makalayo't labanan ang mga kalaban.

Kaniya-kaniya silang nagpalabas ng kani-kanilang mga salamangka.

Lahat sila.

Lahat sila maliban sa akin na nanatili lamang na nakatitig sa kaniya.

"Hinding-hindi mo ako mauutakan dahil isa ka lamang hamak na-" hindi ko na pinatapos pa ang akma niyang mga sasabihin at sa isang iglap lang ay nakarating ako sa kinatatayuan niya't walang pakundawan siyang sinakal na siyang daglian niyang ikinasinghap.

"Huwag na 'wag mong mamaliitin ang kakayahan ko, Valdir." mariin at may diin ang bawat salita kong sambit bago ko mas diniinaan ang pagkakasakal sa kaniya.

Makahulugan ko siyang tinitigan sa kaniyang mga mata.

"Let the show. . . begin." makahulugan kong sambit bago tuluyang ipinalutang ang katawan naming dalawa patungo sa ibabaw.

Hindi na niya nagawang makapalag pa mula sa mahigpit na pagkakasakal ko sa kaniya kung kaya't wala siyang ibang nagawa kung hindi ay ang manlaki ang kaniyang mga buliga habang pilit na kumakawala.

Dumaan kami sa malaking siwang ng butas sanhi ng nangyaring pagsabog kanina.

Nang tuluyang makalabas ng bulwagang iyon ay mabilis ko siyang inihagis paibaba.

Kitang-kita ko kung paano siyang bumulusok pabagsak ng lupa.

At habang nasa itaas ng himpapawid ay nasilayan ko mula sa kalayuan ang libo-libong mga lumilipad na nilalang papalapit sa direksyon ng akademiya.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon