Chapter 105: Tertheia

10.9K 354 250
                                    

THIRD PERSON'S POV

"S-Saan niyo ko dadalhin? H-Hindi,w-wala akong kasalanan,p-parang awa niyo na wala po akong kasalanan." Naluluhang puna ng dalaga sa mga kawal habang dinadarag siya ng mga ito papunta sa kung saan.Iniinda niya ang bawat pagkirot ng mga sugat niya sa buong katawan habang walang ingat siyang hinihila ng mga ito.

"T-Theo,ayokong s-sumama sa kanila.P-Parang awa mo na a-ayoko! T-Tulungan mo'ko!" Kumawala ang malakas na panaghoy sa dalaga habang pilit na winawakli ang mga kamay mula sa pagkakahawak ng mga kawal.

"A-Amanda! T-Tulungan mo'ko! Pakiusap!" Tumingin siya sa mga mata ng kaibigan at umaasang tutulungan siya nito subalit nabigo siya.Wala itong nagawa kundi ang mapaluha habang nakatingin sa kalagayan niya.

Napuno ng pagtatangis at hikbi ang tahimik na paligid na nagmumula sa dalaga.Hindi niya maipaliwanag ang matinding sakit na nararamdaman niya sa loob-loob niya.Tila pinagtulungan siya ng lahat,tila pinagsakluban siya ng langit at ng lupa.

Tanging sulyap nalang ang nagawa niya sa dating mga kaibigan bago siya tuluyang tangayin ng mga kawal paalis sa lugar na iyon.

Samantala,naiwan namang nagkukumpulan ang mga estudyante sa pinangyarihan ng insidente.Sari-saring komento ang iminumungkahi nila laban kay Shamiere.Ang magkakaibigan naman ay agad na dinaluhan si Dawn na ngayon ay mangiyak-ngiyak na hinahawakan ang duguang mukha't braso.

"D-Dawn,are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Serene sa dalaga na hinawakan pa sa balikat.Hindi ito sumagot bagkus ay yumuko lang at muling umiyak na tila takot na takot dahil sa nangyari.

"Dawn,come on.Kailangan mong madala sa clinic." Wika ni Van na akmang hahawakan siya sa braso ngunit bago pa man dumapo ang kamay nito sa kaniya ay mabilis na na niya itong iwinaksi at mabilis na kumaripas ng takbo habang umiiyak.

Nang makalayo na  siya sa lugar na yon ay unti-unti niyang tinanggal ang kamay niya sa mukha't braso kasabay ng dahan-dahang pag-agos pabalik ng dugo nito sa sugat at humilom na tila walang nangyari.Bumalatay ang nakakalokong ngisi nito sa labi bago magpakawala ng halakhak.

***

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Lash sa binatang si Theo na hahakbang palang sana paalis.

"I'm going to follow Dawn,she needs to go to the clinic." Malamig nitong sagot.

"Sasama ako." Sabat ni Serene.

"Ako din." Sabay na tugon naman nina Bea at Yvonne.

Sa huli ay napagpasyahan nalang nilang lahat na umalis maliban sa isa.

"Amanda? Let's go." Tawag pansin ni Van sa dalaga ngunit tulala lang itong nakatingin sa baba.

"Amanda?"

"P-Paano niyo nagagawang balewalain si Shamiere?" Utal na usal nito at inangat ang paningin sa kanila dahilan para tumambad sa kanila ang luhaang mga mata nito.Natigilan ang lahat dahil sa sinabi niya, ngunit nang makabawi ay agad napasinghal si Serene.

"She deserves it! Pinatay niya si Mitch, at ngayon,muntikan na niyang patayin pati si Dawn!"

"Pero nakita niyo yung pagmamakaawa sa mga mata niya! She's begging us!" Sagot niya.

"Then why didn't you helped her?" Tanong ni Serene na nakapagpahinto sa kaniya.

"Kasi alam mo sa sarili mo na hindi siya karapat-dapat na tulungan! Hindi mo ba maintindihan Amanda? Pinatay niya si Mitch! She needs to be punish!" Dugtong pa nito.

"A-And what punishment she has to face?!"

"I don't know! Baka ikulong sa Tertheia kung saan nababagay ang mga tulad niya!" Sigaw ni Serene na nagpatigil sa isa.Hindi makapaniwalang tumingin ang dalaga sa mga mata nito't tiningnan ang lahat.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon