Chapter 41: Tail

10.5K 505 47
                                    

THEO'S POV

"ARGHHHHH!!!"

Isang malakas na paghiyaw mula sa kutsero ang siyang nakaagaw ng aming pansin.

Nang tingnan ko siya mula sa siwang ng bintana ay wala na siya sa kaniyang kinauupuan.

"Damn it!" agad akong napamura sa nakita.

"Bangin na 'tong dinadaanan natin! Walang kumokontrol sa karwahe!" aligagang sigaw ni Eros na dumungaw rin sa kabilang durungawan.

*BLAAAAAAM!!!*

*BLAAAAAAM!!!*

*BLAAAAAAM!!!*

Mabilis kaming nagkatinginang dalawa.

"Nasa itaas na sila!"

Nagsisimula na ring mabalisa ang mga kababaihan.

"Shamiere! N-Naaakit sila sa amoy ng dugo mo!" tulirong sigaw ni Mitch.

Pagewang-gewang na ang sinasakyan naming karwahe dahil sa wala na ang kumokontrol nito.

"Nagiging mabagsik sila kapag nakakaamoy ng dugo, pero hindi ganito ka bagsik! Para bang nawawalan sila ng kontrol sa kanilang mga sarili!" natataranta na ring sigaw ni Gino.

*BLAAAAM!!!*

*BLAAAMM!!!*

Sunod-sunod na kalampag ang narinig namin mula sa itaas ng karwahe dahilan upang kami ay mas lalo pang kabahan.

"Mahuhulog tayo sa bangin!" sa pagkakataong ito ay sigaw naman ni Megan ang siyang umugong sa loob ng karwahe. Tinanaw ko ang bangin na sinasabi nila at lihim na naman akong napamura nang makitang malapit na kaming mahulog sa bangin pabagsak sa dagat.

"We have to jump!"

Gulat silang napatingin sa 'kin.

"Ano?!"

"We have to jump, or else, mahuhulog tayo sa dagat!"

"Pero may mga bampira-"

"We can fight them!"

"Pero-"

"Trust me!"

Wala na silang nagawa pa kung hindi ang sumang-ayon sa 'kin at pumayag.

"In the count of three, we'll jump!"

"One!"

Hinawakan ko nang mahigpit ang pintuan.

"Two!"

Inihanda ko ang sarili sa pagtalon.

"Three!"

Ngunit bago pa man din namin mapagtagumpayan ang binabalak ay agad na akong natigilan.

"Damn it!"

"Fuck!"

Sabay kaming napamura ni Eros nang akmang bubuksan na namin ang dalawang pinto ay hindi ito mabuksan.

"May nakaharang na mga bampira!"

Dumungaw ako sa bintana upang alamin 'yon, at tama nga si Kianah. May nakaharang na bampira, nakadikit ito sa labas ng pintuan habang nakatagilid at sadyang nakakatakot ang kaniyang itsura.

Sa tingin ko ay gano'n din ang kay Eros.

"Ibigay niyo sa amin ang babae!" sigaw nito at pagkuwa'y tinitigan si Shamiere.

Natigilan kaming lahat at naguguluhang napatingin kay Shamiere.

Hindi ko alam o kahit na sino man sa mga kasama ko kung bakit ganito na lamang ang kanaisan nilang makuha mula sa amin si Shamiere. Kilala ko ang uri nila, at alam ko't alam naming lahat na hindi sila ganito kauhaw sa dugo ng mga kauri namin.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon