Chapter 78: The Great Pretender

12.7K 419 83
                                    

THEO'S POV

"Oh, dre, saan ka galing, teka, bakit namumula 'yang mga mata mo? Umiyak ka ba?" mabilis kong iniyuko ang ulo ko para hindi tuluyang makita ni Gino ang itsura ko.

Matapos ng mga nakita ko kanina ay hindi na 'ko nag-alinlangan pang umalis at lisanin ang lugar na 'yon.

Nanghihinang napaupo ako sa upuan.

Agad namang nagsilapitan sa akin ang iba pa.

"Theo, may nangyari ba? Ayos ka lang?" nag-aalala ang tinig na tanong sa 'kin ni Mitch.

But I didn't bother to answer her.

"Oy dre, tumingin ka nga sa 'min. Parang hindi ka ayos, eh." sambit pa ni Eros.

"I-I'm okay." halos pabulong na sagot ko sa kanila. Ramdam kong nag-iba ang boses ko dulot nang pag-iyak ko kanina.

Muli na namang kumirot ang puso ko nang maalala ang mga nangyari.

Naramdaman ko na naman ang nagbabadyang luha sa mga mata ko dahilan upang mas iniyuko ko pa ang ulo ko at lihim na pinunasan ang mga luha sa magkabilang mata ko.

B-Bakit Sham? B-Bakit...

"Theo, a-ayos ka lang?" ani Megan. Muli akong tumango habang nanatiling nakayuko. Pero hindi ko inaasahan nang biglang may humigit ng kamay ko at pilit akong ipinatingala.

"A-Are you crying?" agad kong iwinakli ang kamay ni Van at umiwas ng tingin.

"I-I'm not."

"What's the matter? May nangyari ba?Si Sham, nakita mo na ba siya? May nangyari ba kay Shamiere?"

Mapakla akong napangiti.

No, she happened.

Walang masamang nangyari sa kaniya dahil kakampi siya ng mga kalaban. At ang mas nakakatawa pa ay posibleng siya ang namumuno sa kanila pangalawa kay Zokus. Kaya pala, kaya pala gano'n siya kalakas. Kaya pala gano'n nalang siya kahiwaga. Kaya pala hindi niya sinasabi sa amin kung saan siya nagmula. Dahil ang totoo ay nagmula siya sa kampon ng mga kalaban, nagmula siya sa kampon ng mga Zokusians.

"Theo, sumagot ka."

Pasiring ko silang tiningnan isa-isa hanggang sa mapadapo ang paningin ko sa pintuan kung saan pumasok ang babaeng may kagagawan kung bakit ako nagkakaganito.

Ang babaeng pinakamamahal ko.

Sabay-sabay silang napabaling ng tingin sa pintuan.

"Sham!"

Isang marahan na pagtango lang mula sa kaniya ang iginawad nito habang ang mga mata ay nanatiling nakatitig lang sa mga mata ko.

Hindi niya inialis ang paningin niya sa akin, gano'n din ang ginawa ko.

Naglakad pa siya papalapit at hindi nagtagal ay huminto siya sa harap ko.

"May problema ba?" sambit niya na nagpabigat ng kalooban ko. Marinig ko palang ang boses niya, nasasaktan na ako.

Hindi ako sumagot at bagkus ay nakatingala lang sa kaniya.

"Bakit ganyan ang mukha mo? Umiyak ka ba?"

Ang galing mo, Sham. Ang galing galing mong magpanggap.

"Paano mo 'to nagagawa sa amin, sa akin?" hindi ko na napigilan pa ang sarili kong tanungin siya. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang unti-unting pangingilid ng mga luha sa mga mata ko.

Mabilis na nagtaka ang ekspresyon ng mukha niya.

"A-Ano ang ibig mong sabihin? Ano ba ang ginagawa ko?"

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon