Chapter 84: Amidst the Chaos

14.5K 492 93
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Hindi! Shamiere!!!"

Agad na natuon sa dalagang si Mitch ang atensyon ni Valdir dahil sa ginawa nitong pagsigaw.

Maging ang iba ay napatigil sa kanilang pakikipaglaban dahil sa kanilang mga nasaksihan.

Si Theo at ang iba pa nilang kaibigan ay hindi nakagalaw sa kanilang kinatatayuan habang nakatingin sa dalagang si Shamiere na ngayon ay nakaluhod na sa damuhan.

Mabilis na tumakbo si Mitch sa direksyon ng kaibigan ngunit bago pa man niya tuluyang malapitan ang dalaga ay agad na siyang hinarang ng kalaban.

"Hinay-hinay lang sa pagtakbo binibini, huwag kang mag-alala sapagkat ikaw na ang isusunod ko!"

Muli itong bumuo ng mahabang sandata na gawa sa itim na mahika at akmang isasaksak na ito sa dalaga nang walang ano-ano'y matigilan siya.

Dahan-dahang umagos ang dugo mula sa kaniyang labi't wala sa sarili siyang napatingin sa kaniyang dibdib na ngayon ay may butas na.

"Hindi ang isang katulad mo ang magwawakas ng buhay ko." mga katagang ibinulong ng dalagang may hawak na ng puso niya mula sa kaniyang likuran.

Tumitibok-tibok pa ito at tila ba ay may sariling buhay.

Subalit iyon ay hindi nagtagal at agad na tumigil nang marahas niyang isinarado ang kaniyang kamay dahilan nang tuluyang pagbagsak ng wala ng buhay na katawan ni Valdir.

Samantalang nanlalaki ang mga matang napatingin lang si Mitch sa kaibigan.

Maging ang lahat ng mga nakasaksi sa nangyari ay halos hindi makapaniwala sa kanilang mga nakita.

Imposible.

Iyan ang salitang nasa isip nila sapagkat alam nilang walang sinuman ang makakaligtas sa oras na masugatan o masaksak ng sandatang gawa sa itim na mahika na tanging mga malalakas na Zokusians lamang ang may kakayahang gumawa.

"Sh-Sham." utal na tawag ng dalaga sa kaibigan.

Subalit muli na lamang silang napamaamg nang kanilang masilayan ang unti-unting pagdaloy pabalik ng dugong dumadaloy sa balikat ng dalaga pabalik sa pinagmulan nito't biglaang paghilom ng sugat nito.

Labis silang nagimbal sa nasaksihan.

"Yuko!"

At naguguluhan man ay agad na napayuko si Mitch sa biglaang  pagsigaw ni Shamiere.

Agad din niya itong napagtanto kung bakit.

Mabilis na nagsibagsakan sa lupa ang mga Zokusians at base sa enerhiyang tinataglay nila ay hindi sila basta-bastang mga Zokusians lang.

Malalakas sila.

Makapangyarihan.

Gayunpaman ay hindi na nag-akaaya pa ng panahon ang dalaga at marahas na inihagis ang sandatang kanina lang ay nasa balikat niya patungo sa direksyon ng isang babaeng kalaban na akmang aatake na kay Mitch patalikod.

Ngunit bago pa man ito tumama sa kaniyang katawan ay mabilis na nitong ipinalaho ang sarili at lumitaw sa itaas ng puno.

Pero dahil sa lakas ng pakiramdam ng dalaga ay hindi siya nakatakas. Agad niya itong nahanap.

Matuling napalingon ang dalaga patungo sa kinaroroonan nito ngunit saktong paglingon niya ay isang pabulusok na malaking sanga ng puno ang marahas na tumama sa kaniya dahilan upang tumilapon siya pabalik sa nagkandasira-sirang gusali.

"Sham!" gitaltal na sigaw ni Mitch sa kaibigan.

Patakbo na sana siya papunta sa kinasasakdalan nito nang bigla nalang may nagsiusliang mga ugat mula sa kailaliman ng lupa at agaran itong pumulupot sa kaniyang mga paa.

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon