SHAMIERE'S POV
Nararamdaman ko ang dagliang pag-anhag ng kakaibang liwanag mula sa mga mata ko.
Subalit hindi ko ito pinagtuunan nang pansin at bagkus ay puno nang galit ang mga matang tumitig sa kanila.
Agad na nabalutan ng pulang apoy ang kanang kamay ko. At nang tingnan ko ang kaliwang kamay ko ay dahan-dahan itong nababalutan ng kulay bughaw na likido.
Ang tubig.
Agad na nagsinghapan ang mga kalaban dahil sa ginawa ko.
Marahil ay ngayon lamang sila nakasaksi ng taong may kakayahang gumamit ng dalawang kapangyarihan nang magkasabay.
At dahil doon, kinuha ko ang pagkakataon na 'yon upang atakihin sila.
Sunod-sunod akong nagpalabas ng bolang apoy sa kanang kamay ko at tubig sa kabila.
"ARGHHHHH!!!"
At bago pa man tuluyang makalapit sa akin ang mga taong-lobo at masakmal ako ay agad na silang naging abo nang mabilis siyang tamaan ng apoy ko.
Naging mabagsik sila't naging sunod-sunod ang ginawa nilang pagsugod sa akin kung kaya't mabilis din akong gumawa nang sunod-sunod na pag-atake laban sa kanila.
Dahil sa kagagawan kong 'yon ay mas lalo pang umiglab ang galit sa itim nilang buliga.
Marami sa kanila ang nasawi.
Marami ang nasugatan.
At marami rin ang napuruhan, bagamat ito ay hindi naging sapat upang tumigil sila sa paglusob sa akin.
Patuloy pa rin silang umaatake sa akin dahilan upang ako ay patuloy na lumaban.
Ilang saglit pa ang nagdaan at isang batalyon ng mga bampira ang ngayon ay papunta na sa aking gawi kung kaya't inihanda ko ang aking sarili.
Agaran kong mas pinalaki ang porsyento ng tubig na nasa ibabaw ng aking kamay.
Nang ilang dipa na lang ang layo nila sa akin ay hindi na ako nag-atubili pa't marahas itong itinira sa kanila dahilan upang sila ay agad na nagsisalpukan at magsitalsikan papalayo. At ang iba sa kanila ay agaran kong ipinaloob sa malaking bola na gawa sa tubig. Ilang sandali pa't nang mapagtanto kong wala ng buhay ang mga ito ay agad ko ring pinalaho ang tubig at muling gumawa ng panibagong atake sa panibagong mga kalaban na ngayon ay papunta na sa aking kinatatayuan.
Sunod-sunod din ang naging pag-atake nila kaya mas binilasan ko pa ang bawat paggalaw ko.
Gamit ang kanang kamay ay bumuo ako ng latigo na gawa sa apoy at marahas itong iwinasiwas sa kanila.
Datapwat habang abala sa pakikipaglaban sa kanila ay wala sa sariling may napansin ako.
Bahagyang nanliit ang aking mga mata nang mapansin kong wala na sa harapan ko sina Serene o kahit ang isa sa mga kaibigan ko.
Dahil doon ay agad kong nilingon ko ang likuran ko at doon ko sila muling nasilayan, na ngayon ay handa na akong atakihin gamit ang kanilang mga kapangyarihan.
Subalit bago pa man nila ako tuluyang matamaan ay agad na akong napayuko't mabilis na napatalon papunta sa likuran ng isa sa kanila't gamit 'yon ay agad akong tumalon pabagsak sa lupa. At nang makabangon ay hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad nang bumuo nang isang napakalaking alon at daglian itong ipinabulusok patungo sa direksyon nila dahilan upang tuluyan silang tangayin nito papalayo sa kinasasakdalan ko.
At mula sa kalayuan ay mariin ko silang tinitigan isa-isa.
At ganoon na lang ang agarang pagngunot ng noo ko nang makitang may kulang sa kanila.

BINABASA MO ANG
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]
FantasyTerrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais n...